TOTOO minsan ang kasabihang “great things come to those who wait”. Akalain mo pagtapos ng isa’t kalahating oras ng paghihintay ay dumating din ang babaeng nagpapakilig sa akin. Tumatakbo siya sa paghabol dahil sasabit na sana ako sa jeep para makauwi. Akala ko na-stood up na naman ako.
Naghintay ako sa labas ng gate ng iskwelahan nila dahil nangako akong susundo sa kanya pag-uwi. Nangingilo na ako sa kakanguya ng stork maiwasan lang ang pagkabagot sa sobrang tagal niyang dumating. Hindi lang ‘yan, nanginginig na rin ako sa ginaw dahil umuulan na at super-lamig ng hangin dala ng bagyong biglang dumating na signal no. 3. Pero nang marinig ko ang boses niyang medyo paos at makita ang ganda niyang mala-signal no. 3 din ang dating, natunaw ulit ang puso ko na parang ice cream.
Kahawig siya nu’ng babaeng leading lady sa pelikulang “Transformers”, si Megan Fox: matangkad, balingkinitan ang katawan, makapal at mahaba ang buhok, mapungay ang mga matang may mahahabang pilik, labi niya ay nakanguso nang konti na parang ready na humalik anytime. At ang pinakamahalaga para sa akin ngayon, cute siyang tumakbo. Malakas ang alog.
SCENE 4:
“Mahihirapan na tayong maka-uwi,” sabi ni Megan (look-alike) sabay kuha niya sa kanang kamay ko. Naisip ko: Holding hands?! This is my lucky day. “Galing ako sa kabilang gate, baha na du’n… stranded ang mga classmates ko. Tapos naalala ko susundo ka nga pala dito sa Gate 1 kaya ako bumalik. Sorry, ha. Nag-panic ako, e.”
“Okey lang.” pa-cute kong sagot. ”‘Buti may payong ka. Nakalimutan ko kasing magdala, e.”
“Share na lang tayo. Kasya naman ang dalawa dito. So, sa’n tayo ngayon?”
Naisip ko habang nakakuyabit siya sa akin at lumalakas lalo ang ulan: Saan nga ba kami dadaan papalabas ng school? Baha sa Gate 2. Baha na rin dito sa kalyeng kinatatayuan namin. May mga jeep pa rin kaso, hanggang bubong na ang pasahero. Hindi naman puwedeng pasabitin ko rin siya sa barandilya ng jeep.
Iisa na lang ang pwedeng pagdaanan: May alam akong short-cut na itinuro sa akin ng isang kabarkada ko, diretso papalabas ng highway: Sa maliit na Gate 3 ng school. Hindi binabaha doon kasi medyo mataas ang lugar. Pero ang nakakahiya, puro motel ang nasa kaliwa at kanan ng kalyeng ‘yun. Lahat ng dumadaan, kung marumi ang isip mo, sasabihin mong galing sila sa isa sa mga motel doon. Na kadalasan totoo.
“May alam akong short cut.. kaso…” napalunok ako.
“Sa Gate 3?” siya na ang tumapos ng sentence.
“Doon nga ako dapat dadaan kanina. Nahiya lang ako kasi… alam mo na. Mahirap na’ng matsismis sa hindi mo boyfriend.”
BOYFRIEND?
“Ibig mong sabihin, okey lang sa ‘yo kung boyfriend mo ang kasabay?”
“Lika na… nababasa na ako.”
Pagkasabi niya nu’n, umangkla na siya sa braso ko.
Hawak niya ako. Hawak ko ang payong.
Nanginig ako bigla habang naglalakad.
Pero hindi na dahil sa ginaw.(aLjI0808)
Categories: love slave
Tagged: girl, girlfriend, love, megan, motel, scenes, school, slave, storm, transformers, ulan
HANGANG tenga ang mga ngiti ko pagkatapos ng first time ko sa beerhouse. Pakiramdam ko isa na akong tunay na lalaki…well, almost. Ang kulang ko na lang is to lose my virginity.
Nakakatawa ang lipunan, ano? Ang mga babae kailangan virgin pa bago magpakasal pero ang mga lalaki kailangan naka-devirginize na bago magpakasal. Pero dinig ko binabago na ng ilang kababaihan ang kalakarang iyan. Yes, to the delight of the men.
Hindi kasi malalaman kung virgin pa o hindi ang isang lalaki. You just have to take our word for it. Kaya ‘yung mga nagmamayabang ‘pag tungkol sa seks ang usapan, ‘wag kayong maniwala sa mga ‘yan dahil ‘yung maiingay, ‘yun ‘yung mga hindi pa nakakatikim or bihirang makatikim. ‘Yung solve sa rasyon ng luto ng diyos, tahimik lang. Kasabihan nga, ‘yung mga gutom, maiingay. ‘Yung busog, tahimik na.
Kaya ako mag-iingay ngayon.
Ano kaya ang magandang setting sa aking first time to make love?
Gusto ko parang eksena sa pelikula:
SCENE 1:
Makulimlim ang langit. May hanging malamig na singlakas ng level 1 ng isang electric fan na dumadantay sa katawan ng mga tao sa paligid. Nasa isang waiting shed ako sa labas ng isang eskuwelahan na malapit sa eskuwelahan ko…Susunduin ko ‘yung (magiging) girlfriend ko sa school nila dahil pinospone ang mga klase; may malakas na bagyong paparating. Nag-aalala ako siyempre dahil malayo ang bahay ng (magiging) girlfriend ko at usually binabaha ang daan papunta sa kanila. Naka-school uniform pa ako at Jansport. Walang payong o jacket pero malakas ang loob na sumundo sa gitna ng papalapit na signal No. 3.
SCENE 2:
Medyo matagal din akong nakatayo sa labas. Alam ko dahil naka-limang kending Stork na yata ako sa paghihintay. Naisip ko, baka nakauwi na siya. Baka sa ibang gate dumaan. Baka may ibang sumundo. Ito ang hirap ‘pag hindi mo china-charge ang cell phone mo tuwing gabi. Bigla-bigla na lang maglo-low batt at made-dead batt. Naisip ko, isang Stork na lang; ‘pag naubos ko itong nasa bibig ko, uuwi na ako. Binagalan ko tuloy ang pagsipsip sa kendi. Gusto ko siyang makita.
SCENE 3:
Naubos na ang Stork. Wala pa rin ang (magiging) girl friend ko. (“Magiging”… kasi hindi pa formal ang status namin; wala pang direct confirmation, gaya nang “Uy, tayo na, ha.” ‘Di pa ako sigurado.)
Napagdesisyunan ko nang pumara ng jeep nang biglang…
“Hoy, Julio, sa’n ka ‘punta? Iiwan mo ‘ko, ganu’n,” biro niya habang nakangiti.
Parang tumalon ang puso ko paglingon.
Dumating na ang (magiging) girlfriend ko. (aLjI0708)
TO BE CONTINUED…
*photo from dpvtank
Categories: love slave
Tagged: girl, girlfriend, high school, highschool, movie, rain, scene, society, stork, storm, virginity
MADILIM pala sa loob ng beerhouse. Ito ang first impression kong until now ay nagla-last. Parang biglang nag-brownout ‘tapos unti-unting lumiliwanag habang kinakapa ng isang paa mo ang daan at sinasabi sa sarili mong, “Huwag sana akong madapa at magmukhang tanga.”
Mahirap ding iwasan na magpalinga-linga. Kung iikutin mo sa tingin ang paligid, puro aninong gumagalaw ang makikita mo. Anino ng mga ulo at katawan na naglalakad. May mga ulo at katawang nakaupo. May mga ulo na dahandahang nag-uuntugan kasunod ng mga katawang nagdidikit nang malagkit.
Ang pinakamaliwanag na bahagi ng lugar ay ‘yung malapit sa entablado. Bukod kasi sa isang libong bumbilyang nagpapatay-sindi sa saliw ng nakakabinging “Total Eclipse of the Heart”, meron itong pader na nababalutan ng salamin.
Sa salamin makikita ang repleksyon ng lugar na ‘yun at ng napakagandang babaeng magsasayaw sa harap nito. ( aLjI0708 )
Categories: beerhouse blowout
Tagged: beerhouse, club, dancer, girl, mirror, sexy, shadows, strip, tease
NOONG first time ko sa beerhouse parang kumakatok na kamao ang puso ko sa dibdib.
High school student na batang-bata pero nakalusot ako sa guwardiya kasi puro mukhang tatay na ang mga kasama ko na mga kaklase ko rin sa high school.
Sabi nila first time din nila sa beerhouse, pero nu’ng bumati ‘yung guardiya na “Ser, long-time no see,” sa isa kong kasama, nagduda na ako.
Sabi pa nu’ng isa, “Magyosi ka para hindi halata.” Convincing daw ‘yung may nakasabit na Marlboro sa bibig. Kaso lang mahirap palang humithit ng yosi kung ‘yung filter ang nasindihan mo dahil baliktad ang pagkakasubo mo sa bibig.
At siguro nakatulong din ‘yung paglalakad nang chest-out, at medyo parang-higante ang boses na pagtatanong ko sa guwardiya ng “Brod, anong oras ang showtime?”
Tinignan lang ako nu’ng guard. Tinignan niya rin ‘yung baga sa dulo ng yosi kong baliktad. ( aLjI0708 )
Categories: beerhouse blowout
Tagged: beerhouse, cigarettes, highschool, marlboro, night club, security guard, showtime
ISA lang ang dahilan kung bakit ako natutong manigarilyo: kailangan kong makakita ng hubad na katawan ng babae. At nu’ng first time kong makapasok ako sa beerhouse, purong “hormones” ang naghahari sa aking mga desisyon. Para hindi raw mahalata na “minor” ako, dapat mag-yosi. Naisip ko, kung kailangang manigarilyo para makapasok sa beerhouse, eh, di manigarilyo. Gagawin ko ang lahat, matupad lamang ang bugso ng isang inosenteng nagbibinata.
Pero hindi ako ganu’n kainosente, ha.
Una kong nakakita ng bold nu’ng matanaw ko ang loob ng isang delivery truck ng alak. Nanlaki ang mga mata ko. Noon lang ako nakakita ng isang buong haligi na puno ng mga larawang hubad galing sa mga pinunit na mga pahina kalendaryo. Labing dalawang larawang hubad. Isa kada buwan, mula Enero hanggang Disyembre. Noon lang ako nagandahan nang todo sa pagiging babae ng isang babae.
Ipinangako ko sa sarili ko bago ako grumadweyt ng high school dapat makakakita ako ng totoong bersyon ng mga larawang iyun. ( aLjI0708 )
Categories: raging hormones
Tagged: calendar, cigarettes, dreams, girls, graduation, highschool, hormones
MULA nang makakita ako ng mga hubad na larawan sa isang kalendaryo ng alak, naging tattoo na sa isip ko ang mga pahina ng kalendaryong ‘yun. At tuwing naaalala ko ito, nag-iiba ang pakiramdam ko. Naikuwento ko ito sa mga kaklase ko nu’ng nag-inuman SILA.
Oo, sila lang ang nag-iinuman, dahil kahit nakikisama ako sa mga lasenggong ‘yun, hindi ako umiinom ng beer. Pero nu’ng naikuwento ko ‘yung tungkol sa mga kalendaryo pinilit nila akong uminom dahil kulang lang daw ako sa alcohol.
Halos matanggal ang ulo ko sa kaiiling habang nangangawit na ang kabarkada ko sa iniaabot niyang isang bote ng beer. ‘Sabay kasi sa pangako kong dapat makakita ako ng naka-bold bago grumadweyt ng highschool ay ang isa pang pangako: Hindi ako iinom hangga’t hindi pa ako nakaka-graduate. Saliwa, ano?
Pero dahil sa peer at beer pressure, napilit din akong lumagok ng isang buong bote ng beer. Isang bote sa tatlong lagok–sabay suka ako sa harap ng mga lokong kaibigan ko.
“Gwaaaaaaarrrkkkk!!! “
Siyempre pinagtawanan nila ako. Patas lang dahil sinukahan ko naman ‘yung pulutan nilang sardinas na pinigaan ng kalamansi.
Nag-walk out na ako paalis sa inuman na ‘yun dahil napahiya na ako sa alaskahan at naiihi na rin ako kanina pa. Dinig ko pa ang tawanan nila noong pumuwesto ako sa isang puno na malapit na pader para jumingle. Habang hinihintay kong pumatak ang ihi ko, may narinig akong kumakanta. Boses babae.
Tumingala ako. Dalawang palapag ang taas ng punong iniihian ko at ang isa sa malaking sanga nito ay nakatapat ang isang bintanang bukas. Doon galing ang kanta. Bukas ang ilaw sa loob ng bintana. Malago ang mga dahon sa puno. Madilim na ang gabi. Akyatin ko kaya at tingnan kung sino ang kumakanta? ( aLjI0708 )
Categories: house party
Tagged: beer, calendar, girls, inuman, lasing-along, singing, suka, tambay sa bahay
HINDI ako mamboboso. At hindi pa ako namboboso kahit kailan. Kaya ewan ko at bakit sa isang iglap ay nasa itaas na ako ng sanga ng isang puno, at sa mismong tapat ng isang bintanang bukas ay tinatanaw ko sa loob ang isang babaeng kumakanta ng “Total Eclipse of the Heart”.
Naalala ko na kung sino siya.
Siya ang bagong-lipat na kapitbahay namin. Tingin ko kasing-edad ko rin siya. Bata ang mukha pero dalaga na ang katawan. Dalagitang kamukha ni Rica Peralejo (na morena ang balat) at medyo kaboses ni Sarah Geronimo. O baka lasing lang ako kaya ganito ang dinig at tingin ko?
Nagbibihis ang morenang “Rica” (‘di ko alam pangalan niya) habang kumakanta. Aktong magtatangal siya ng T-shirt na may nakatatak na Gues (single “s”). At ewan ko kung bakit– biglang nangatog ang buong katawan ko. Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin, nangatog din ang buong puno. Akala ko mahuhulog ako buti na lang humigpit ang pagkakayakap ko sa magaspang na sanga na nahalikan ko rin bigla sa takot. Gasgas ang nguso ko.
Nang makabawi ako sa pagkakapuwesto, sabay tingin ulit, iba na ang hitsura ni Sarah. Wala na’ng T-shirt. Wala na ring bra. Topless na siya at naglalagay ng deodorant habang nakatapat sa salamin ang malusog niyang… kumakanta pa rin siya. Malakas pa rin ang ihip ng hangin pero nagbutil-butil bigla ang pawis ko sa noo.
Kakaiba na ang nararamdaman ko at mukhang may lalabas na sa akin. Kaya dali-dali na akong bumaba ng puno. Bumaba meaning: tumalon at bumagsak. Pagsayad na pagsayad ng nangangawit kong paa ko sa lupa, pinulikat ako, kasabay ng napakalakas na …
“Gwaaaaaaarrrkkkk!!! “
Hindi na talaga ako iinom ng beer. ( aLjI0708 )
Categories: house party
Tagged: beer, boso, girls, highschool, house party, inuman, sexy, tambay sa bahay, voyeur
EWAN ko kung bakit napagawi ako sa beerhouse pagkatapos ng “aksidenteng” pamboboso ko. Ito ang aking dilemma. Ayoko ng alak. Kaso, para lang makakita akong muli ng hubad na babae (nang hindi ako magkakakuliti) kailangan daw uminom ng alak dahil hindi raw pwedeng hindi uminom ng beer sa beerhouse. Kaya nga BEER-house, ‘di ba?. At mas mahal daw kasi ang softdrinks sa beerhouse kaya hindi ako pwedeng mag-softdrinks lang. At babae lang daw kasi ang umu-order nito at hindi raw softdrinks ang tawag dito kundi “lady’s drink”. Aba teka, mali naman ‘yun…“ladies” as in L-A-D-I-E-S ang tamang spelling, ‘di ba?
Sabi pa ng isa sa mga nagbi-B.I. (Bad Influence) sa akin, “’Pag nagsimula ang show, mapapainom ka rin ng beer sigurado.” Sumakay na lang ako sa teoryang nakakatuyo ng lalamunan ang boldshow pero ang plano ko talaga:
1. Ilalagay ko ang buong laman ng bote ng beer sa isang baso.
2. Iinom ako sa baso, pero hindi ko lululunin; iipunin ko ang beer sa loob ng pisngi ko.
3. Tapos iinom ulit ako kunyari sa BOTE naman (na wala nang laman dahil inilagay ko sa baso, remember?)
4. Pero ang totoo, ibubuga ko pabalik sa bote ‘yung beer na nakaipon sa pisngi ko.
5. Repeat this pattern all night.
Sana umubra. ( aLjI0708 )
Categories: beerhouse blowout
Tagged: beer, beerhouse, bold, boldshow, dancer, girls, highschool, house, inuman, sexy, show, tambay sa beerhouse
“TURN around… every now and then I get a little bit lonely and you never come around…” sabi ni Bonnie Tyler sa intro ng kanta. Tumayo bigla ang … balahibo ko. Sabi ko sa sarili “’Eto na sa wakas. Makakapanood na ako ng bold show.”
May mala-Rey Langit na nagsalita: “Leydeeez en gentulmeyn, neow denzzing on zi plor izzz Mizz Bebeh Rehca Firaliho.” Umaatikabong palakpakan ang lahat sa intro na ‘yun. ‘Yung mga kasama kong “first timers” din daw nag-standing ovation bigla, sabay sigaw ng “We lab yu, Recah!” na parang may namumuong luha pa sa mga mata nila.
Nang tumutok ang spotlight sa stage, naroon na ang babaeng sasayaw. Nakatalikod siya at parang malambot na gitara ang korte ng kanyang katawan. Nakabalabal siya ng mala-kulambo na scarf na kasing nipis ng sapot ng gagamba. Sa nipis nito ay kita na ang suot niyang pulang-pulang spandex lingerie. Pero kahit nakatutok ang maliwanag na spotlight sa katawan ng babae, kapansin-pansin pa rin na hindi siya maputi. Morena beauty ang dancer na ito.
“O, kampai! Kampai muna!” sabi ng apat kong kasama, ibig sabihin simulan na ang inuman. Nag-untugan ang mga baso naming puno ng beer na galing sa bote. Naisip ko, dahil nalilibang sila sa panonood, maisasakatuparan ko ang plano kong mandaya sa pag-inom para hindi malasing. Uminom ako, pero hindi lumunok. Inipon ko ang beer sa loob ng pisngi ko para ibuga ulit pabalik sa baso.
“Every now and then I fall apaa-aaa-aaart!… Turn arooouuuunnd!” sa isang kagulat-gulat na choreography, tumalon si Rehca nang pagkataas-taas, umikot nang 180 degrees sa ere na parang ninja, at bumagsak nang naka-split sa sahig ng stage. Napa-“GULP!” ako sa gulat. Nalulon ko ang beer!
“And I neeeed you now toniiiiiight!” habang naka-split si Rehca at nakatungkod ang dalawang palad sa harap ng nakabukaka niyang legs, nagpaikut-ikot ang ulo niya na parang elesi ng eroplano. Napahawak ako sa baso ko ng beer at inilapit ko sa labi ko para lumunok ulit ng likido. Ang galing ng elesi-effect dahil sa mahaba niyang buhok. Mukha siyang te-take-off any minute.
“Once upon a time I was falling in love, now I’m only falling apart…” sa kabuuan ng kanta parang nawala ako sa sarili ko. Nabura lahat ng problema ko sa buhay. Nawala sa isip ko ang mga kasama ko, ang mga ibang tao sa klab at ang natira lang sa lugar ay ako… at si Rehca.
“There’s nothing I can say, total eclipse of the heart….” Pawis na pawis na si Rehca sa pagsasayaw at taas-baba ang kanyang dibdib sa hingal. Nu’ng bumagal ang kanta ko lang natitigan ang mukha niya. Si—siya… Siya ‘yung kumakanta nu’ng isang araw. Siya ‘yung binosohan ko. Magkapit-bahay lang kami ng diyosang si Rehca.
Tulo ang laway ko sa performance ni Rehca. Tulo rin ang beer mula sa bibig ko nang bigla akong nakaramdam ng malakas na palo sa ulo ko. Nauga ang utak ko sa lakas. Nagising ako sa mala-panaginip kong panonood. May nambatok sa akin.
“’Tang ina naman, pare… inubos mo pati beer namin.”
Nasa aking harapan ang limang basong walang laman at ang apat kong kaibigan na nagngingitngit sa galit dahil nainom ko pati ang beer nila.
Wala na sa entablado si Rehca. Nasa puso ko na siya.
At oo, lasing na ako. ( aLjI0708 )
Categories: beerhouse blowout
Tagged: Add new tag, beer, beerhouse, bold, boldshow, highschool, inuman, tambay sa beerhouse
NAALALA KO minsang nag-iinuman kami ng tropa at batung-bato na sa mga kuwentong paulit-ulit habang nagda-darts. May nag-suggest na maglaro kami ng kakaibang laro:
STRIP DART.
Simple lang ang rules:
- Iinom ng isang basong beer bago tumira sa dart board.
- Babato ng tig-dalawang darts ang bawat kasali sa laro.
- Ia-add ang total points ng dalawang throws.
- Everyone will have one turn to throw.
- Ang pinakamababang score pagkatapos ng isang round ng batuhan ay mag-aalis ng isang saplot na nakasuot sa katawan.
Ala-una na ng madaling araw. Nasa garahe kami ng isang bahay. Pumayag ang lahat. Mga walo kaming tipsy na kasali sa kaistupiduhang ito.
Unang round: tanggalan ng relo, singsing, kuwintas, cellphone at sapatos ang mga lowest score. Easy. Tawanan ang lahat.
Round two: T-shirts, medyas, sinturon. Tawanan pa rin.
Pangatlong round: Heto na ang unang biktima na may pinakamababang iskor. Nakapantalon na lang siya kaya ito na ang susunod na matatanggal. Tawanan lalo. Alaskahan nang todo. “Hubad naaaa! Hahaha!”
Susunod kaya siya sa pinagkasunduan? Sa kanya nakasalalay ang tagumpay ng palaro.
“’Tang-ina ‘pag hindi kayo sumunod, yari kayo sa akin!” sabay tanggal ng jeans. Halakhakan ang lahat! Tahulan ang mga aso sa labas. Parang nakikitawa rin sa hitsura ng isang mataba na ari na lang ang may takip.
Round four and five: Naka-underwear na lang ang lahat by this time. Maginaw na ang hangin. Pero tawanan pa rin tuwing may nakakapansin ng mga bilbil sa tiyan, hindi pantay-pantay na kulay ng balat dahil sa sinag ng araw at mga parte ng katawang maraming balahibo kahit hindi dapat.
Round six: May tao sa gate! “Tao poooo!”
Si Mang Cando, isang respetadong manginginom ng baranggay. Pumasok siya bigla sa gate gaya nang nakagawian niya sa bahay na ‘yun. Akala niya kakilala niya ‘yung mga nag-iinuman.
Hindi na kami nakakilos lahat. Lasing. Hubad. Nilalamig. Paano?
Napatigil kami. Napatigil din si Mang Cando sa nakita niya: Mga hubad na lasing sa kanyang harapan.
Puro kami lalaki.
“Yaaaaaaahhhh!!!” nagsisigaw siyang tumakbo palabas ng bahay.
“Putang-ina! Mga bakla! Patawarin kayooo!!!”
Mula noon hindi na siya uminom ng alak.
Hindi na rin kami nag-darts.
Pero tuwing nakikita namin si Mang Cando, kinikindatan namin siya.
Sabay tawa. (aLjI0508)
Categories: house party
Tagged: college, house party, inuman, kolehiyo, lasing-along, tambayan sa kanto