EWAN ko kung bakit napagawi ako sa beerhouse pagkatapos ng “aksidenteng” pamboboso ko. Ito ang aking dilemma. Ayoko ng alak. Kaso, para lang makakita akong muli ng hubad na babae (nang hindi ako magkakakuliti) kailangan daw uminom ng alak dahil hindi raw pwedeng hindi uminom ng beer sa beerhouse. Kaya nga BEER-house, ‘di ba?. At mas mahal daw kasi ang softdrinks sa beerhouse kaya hindi ako pwedeng mag-softdrinks lang. At babae lang daw kasi ang umu-order nito at hindi raw softdrinks ang tawag dito kundi “lady’s drink”. Aba teka, mali naman ‘yun…“ladies” as in L-A-D-I-E-S ang tamang spelling, ‘di ba?
Sabi pa ng isa sa mga nagbi-B.I. (Bad Influence) sa akin, “’Pag nagsimula ang show, mapapainom ka rin ng beer sigurado.” Sumakay na lang ako sa teoryang nakakatuyo ng lalamunan ang boldshow pero ang plano ko talaga:
1. Ilalagay ko ang buong laman ng bote ng beer sa isang baso.
2. Iinom ako sa baso, pero hindi ko lululunin; iipunin ko ang beer sa loob ng pisngi ko.
3. Tapos iinom ulit ako kunyari sa BOTE naman (na wala nang laman dahil inilagay ko sa baso, remember?)
4. Pero ang totoo, ibubuga ko pabalik sa bote ‘yung beer na nakaipon sa pisngi ko.
5. Repeat this pattern all night.
Sana umubra. ( aLjI0708 )
4 sumagot sa ngayon ↓
aLps // Hunyo 29, 2008 Sa 5:57 hapon
What a creative way to not be drunk. Haha. Magawa nga minsan
Wag ka lang papahuli na malaki ang pisngi mo.
)
kalye11onse // Hunyo 30, 2008 Sa 8:30 umaga
Here’s the rub: ‘pag may nakapansin sa ‘yo, aLps, place your palms on both cheeks (like Macaulay Culkin in “Home Alone”), aim your puckered lips on your target…
and press hard to spray hard.
Thanks for your comment– my first!
eNocH // Hunyo 30, 2008 Sa 10:42 umaga
dagdag ko lang..
uminom ng tubig at wag matakaw sa pulutan!
kalye11onse // Hunyo 30, 2008 Sa 12:54 hapon
A 2nd comment?! Man, I’m on a roll today!
Thanks eNocH.
Did you know, ang beer belly (ex: ‘yung tiyan ng pulis) ay hindi dahil sa pag-inom ng beer kundi dahil sa katakawan sa pulutan? May na-meet nga ako, ang laki ng tiyan tapos hindi naman pala umiinom. Hindi ko na siya inimbita ulit sa mga beer sessions namin. Poseur!