KALYE ONSE

Mga entries mula sa Hulyo 2008

STORM, STORK AT SUNDUAN

Hulyo 10, 2008 · Mag-iwan ng Puna

HANGANG tenga ang mga ngiti ko pagkatapos ng first time ko sa beerhouse. Pakiramdam ko isa na akong tunay na lalaki…well, almost. Ang kulang ko na lang is to lose my virginity.

 

Nakakatawa ang lipunan, ano? Ang mga babae kailangan virgin pa bago magpakasal pero ang mga lalaki kailangan naka-devirginize na bago magpakasal. Pero dinig ko binabago na ng ilang kababaihan ang kalakarang iyan. Yes, to the delight of the men.

 

Hindi kasi malalaman kung virgin pa o hindi ang isang lalaki. You just have to take our word for it. Kaya ‘yung mga nagmamayabang ‘pag tungkol sa seks ang usapan, ‘wag kayong maniwala sa mga ‘yan dahil ‘yung maiingay, ‘yun ‘yung mga hindi pa nakakatikim or bihirang makatikim. ‘Yung solve sa rasyon ng luto ng diyos,  tahimik lang. Kasabihan nga, ‘yung mga gutom, maiingay. ‘Yung busog, tahimik na.

 

Kaya ako mag-iingay ngayon.

 

Ano kaya ang magandang setting sa aking first time to make love?

 

Gusto ko parang eksena sa pelikula:

 

SCENE 1:

Makulimlim ang langit. May hanging malamig na singlakas ng level 1 ng isang electric fan na dumadantay sa katawan ng mga tao sa paligid. Nasa isang waiting shed ako sa labas ng isang eskuwelahan na malapit sa eskuwelahan ko…Susunduin ko ‘yung (magiging) girlfriend ko sa school nila dahil pinospone ang mga klase; may malakas na bagyong paparating. Nag-aalala ako siyempre dahil malayo ang bahay ng (magiging) girlfriend ko at usually binabaha ang daan papunta sa kanila. Naka-school uniform pa ako at Jansport. Walang payong o jacket pero malakas ang loob na sumundo sa gitna ng papalapit na signal No. 3.

 

SCENE 2:

Medyo matagal din akong nakatayo sa labas. Alam ko dahil naka-limang kending Stork na yata ako sa paghihintay. Naisip ko, baka nakauwi na siya. Baka sa ibang gate dumaan. Baka may ibang sumundo. Ito ang hirap ‘pag hindi mo china-charge ang cell phone mo tuwing gabi. Bigla-bigla na lang maglo-low batt at made-dead batt. Naisip ko, isang Stork na lang; ‘pag naubos ko itong nasa bibig ko, uuwi na ako. Binagalan ko tuloy ang pagsipsip sa kendi. Gusto ko siyang makita.

 

SCENE 3:

Naubos na ang Stork. Wala pa rin ang (magiging) girl friend ko. (“Magiging”… kasi hindi pa formal ang status namin; wala pang direct confirmation, gaya nang “Uy, tayo na, ha.” ‘Di pa ako sigurado.)

 

Napagdesisyunan ko nang pumara ng jeep nang biglang…

 

 “Hoy, Julio, sa’n ka ‘punta? Iiwan mo ‘ko, ganu’n,” biro niya habang nakangiti.

 

Parang tumalon ang puso ko paglingon.

 

Dumating na ang (magiging) girlfriend ko. (aLjI0708)

 

TO BE CONTINUED…

 

*photo from dpvtank

 

 

 

Mga Kategoriya: love slave
Minarkahan: , , , , , , , , , ,