SA PELIKULA magandang tignan ‘yung mga eksenang naglalakad sa ulan ‘yung bidang lalaki at bidang babae na magka-holding hands habang nababasa sila.
Sa totoong buhay hinde. Lalo na kung basang-basa ka na sa sobrang lakas na ulan. Nanginginig ka na sa lamig ng basa mong damit at pati loob ng sapatos mo ay naglalawa na sa putik dahil sa kalulusong mo sa baha.
‘Yun ako–kami –nu’ng araw na ‘yun. Basa, giniginaw at feeling dirrrty.
Pati tuloy takbo ng isip ko dirty. I was worrying about my (almost) girlfriend getting wet.
Literally.
SCENE 5
Kasama ko ang (magiging) girlfriend ko—si Megan. Sinundo ko siya from her school at inabot na nga kami ng bagyo at baha. Basa na kami pareho sa sa ulan na parang galing sa hose ng bumbero. Ngayon lang ako nakaranas ng ulan na sideways kung bumagsak dahil sa lakas ng hangin. Magkasukob lang kami sa iisang payong na pang-isahang tao lang talaga kaya mula buhok, balikat, gilid ng katawan, hips, thighs at legs, basa na kaming pareho.
Romantic siguro kung naglalakad kami sa ulan pero ‘yung naglalakad sa baha na hanggang tuhod, hinde yata. Most of the time inaalalayan ko si Megan (and vice-versa) para ‘wag kaming tangayin ng maliliit na alon na may kasamang mga plastic at karton at kung anu-anong basurang-kalye na tinatangay rin ng agos.
And man, was she wet. Napansin kong basa na ang buong likuran ng puting uniform niya at kaya pala ‘pag lumilingon ako, nakikita ko minsan na tinitignan kami ng mga tao sa likuran naming nakalusong din, kasi bakat na ‘yung bra niya from behind.
“Megan,” nahihiya kong sabi. “Gusto mo sumilong muna tayo du’n sa carinderyang ‘yun?”
“Ah, sige.”
Maliit lang at luma na ang carenderia. Nakakatawa ang pangalan: “Luto ng Ina Mo”, parang nagmumura, na gusto ko ring gawin dahil sa buwisit na bagyo. Walang customer sa loob pero puno ng mga tao sa harap ng tindahan. Mga nakikisilong sa ilalim ng tolda na nakalungayngay na at malapit nang umapaw dahil sa naipong tubig-ulan. ‘Yung ibang mga nakikisilong, tinutulak nang dahan-dahan ng mga daliri nila ‘yung lundo para umawas sa gilid ang napupuno nang takip.
Kami ni Megan, dumiretso na sa loob at naupo sa isang mesa. Habang pinapagpag ko ang walang-silbi naming payong, nagpupunas ng panyo si Megan. Ewan ko kung bakit pa, eh, basa rin naman ‘yung panyo niyang ginagamit. Wala ring silbi.
Nangiti na lang si Megan. “Adventure na ‘to, ah. First time kong lumusong sa bagyo.”
Nangiti na rin ako bago umupo sa tabi niya. Napangiti ako sa salitang “first time.”
Nadumihan na naman ang isip ko kaya dumukot ako ng Stork sa bulsa ko sabay subo sa bibig.
“‘Wag kang bastos, Julio…” bulong ng aking konsensiya. — aLjI
ITUTULOY…
2 sumagot sa ngayon ↓
rei37293 // Oktubre 5, 2008 Sa 1:29 hapon
salamat sa pagdaan…ayos yung link sa youtube..BTW rea na lang o kaya rei heheh yung raelalaine kasi made up term lang yun used as username sa Multiply;)..
swerte mo nmn kung may isang ala-Megan Fox nga ang dumating sa buhay mo,,hahaha..
kalye11onse // Oktubre 7, 2008 Sa 9:27 umaga
Okay Pareng Rei (pare daw o?). Yeah, para akong noodles, “lucky me “.
And as promised a long time ago, nasa blogroll na kita, ha.