KALYE ONSE

SALAMAT SA BAGYO

Oktubre 4, 2008 · Mga Puna

STRANDED kami ng (almost) girlfriend ko sa isang lumang carenderia. Bumubulusok ang ulan sa labas. Hanggang tuhod ang baha sa kalye at mabuti na lang, may kataasan ang flooring ng kinalulugaran namin. Wetlook na kami pareho dahil sa payong na palpak versus the rain pero lalong nagpa-sexy sa (almost ) girlfriend ko ang basa niyang buhok.

There’s something about girls with wet hair.

SCENE 6

 “Hoy, tulala ka na diyan!” tinapik-tapik ako ng palad ni Megan sa kanang pisngi.

“Ah, sorry. Iniisip ko kasi kung makakauwi pa tayo. ‘Tsaka baka magkasakit ka.”

“Uuuy, worried. Hahaha! Okey ako. ‘Wag kang mag-alala,” ngiti ni Megan kaya lumabas ‘yung dimple  niya sa kaliwang pisngi. Medyo mas nae-enjoy yata niya ‘yung paglalakad namin sa baha kesa sa akin.

“Alam mo Julio,” dugtong niya habang sinusuklay ‘yung basa niyang buhok., “gusto ko lang sanang magpatuyo muna ng damit. Giniginaw na ako, e.”

“Oo nga. Actually ako rin.”

“Gusto mo palipas muna tayo ng bagyo sa motel?”

“Sa motel?” — Diretso. Walang drama. Sigurado si Megan sa mga katagang ‘yun.

“Hoy,” tinapik-tapik niyang muli ang pisngi ko, “magpapatuyo lang tayo ng damit.”

Nalunok ko bigla ang kendi ko sa bibig.

“Walang halong kalokohan ‘to. I’m warning you.”

Dahan-dahang napatingin na lang ako sa kisame at napabulong…

 “Thank you, Lord.”aLjI

ITUTULOY…

Mga Kategoriya: don't tell motel · raging hormones
Minarkahan: , , , , , , , , ,

2 sumagot sa ngayon ↓

  • aLps // Oktubre 4, 2008 Sa 5:44 hapon

    I like this–> (almost) girlfriend. Hehe.

    Siguro after that motel incident, girlfriend mo na talaga siya.. >:D

    I mean, ung sabay na nagpapatuyo ng damit is really a bonding moment, isn’t it? :p

  • kalye11onse // Oktubre 7, 2008 Sa 9:24 umaga

    ‘Yan ang mahirap. Wala pa ring confirmation up to now. Hayy, ‘yan na yata ang uso ngayon, eh.

    Ayaw ko na lang magtanong. Basta lagi lang kami magpapatuyo ng damit nang sabay, okey na rin : )

Mag-iwan ng Puna