Mga lahok na minarkahan bilang ‘blogging’
Agosto 8, 2009 · Mga Puna
SCENE 10
“LANGIT” para sa iba ang isang motel room. Isa na ako sa “iba” ngayon.
Ang “langit” na pinuntahan namin ni Megan ay nahahati sa tatlong parte: ang service area, ang bedroom at ang toilet.
Kung nakatayo ka sa labas ng carpeted na hallway, pagbukas mo ng kuwartong assign sa iyo, service area ang unang bubulaga sa mga mata mo. Hindi raw ito ang lugar nang romansahan, ayon sa mga informer ko. Pero depende na raw sa tao ‘yun. Actually, dito iniiwan ng waiter ang kung anumang in-order mo from room service.
Maliit na kuwarto lang ang service area, na kung susukatin kumpara sa toilet, mga labindalawang inidoro ang kasya dito kung ipipila sila nang magkakatabi. 4 by 4 ‘ika nga. Hawig nito ang pagkaka-design sa bedroom: carpeted, may mini-table at dalawang stylish na upuan na nakasandig sa pader . Dito nga nagka-kainan (kha-eeeee-nan) ang mga nagmo-motel. May pintuan ito with lock going to the hallway at may isa pang pintuan papunta sa naman kabilang kuwarto, ‘yung bedroom –with lock from the bedroom side. Meaning puwedeng buksan ang pinto para makapasok ang bellboy sa service area habang naka-lock naman ang pintuan papuntang bedroom. Safe nga at hindi kayo makikita ng bellboy kung magde-deliver siya ng kung anuman sa kuwarto n’yo.
Speaking of delivery, ano nga ba ang Top 5 ino-order sa motel ‘pag nagtse-check in?
No. 5 – Pancit (it’s a party place?)
No. 4—Fried Chicken (mahirap mag- lechon sa motel?)
No. 3– Coke (for girls?)
No. 2–San Mig Lights (for boys!!!<<pampalakas-loob at for girls? <<pampawala sa sarili??)
at ang
No. 1—Condom (safety first?).
Um-order ako ng No. 5 kasi mura at parang happy birthday na rin para sa akin.
Si Megan ang regalo kung susuwertehin.
Um-order din ako ng No. 1, panigurado siyempre. Ayoko pang maging ama.
Nasa banyo si Megan kaya hindi niya alam ‘yung mga in-oder ko.
Naliligo na siya. Dinig ko ang pagaspas ng shower, e. (aLjI09)
Mga Kategoriya: MEGANdang XPirience · cutie-QC · don't tell motel · love slave · raging hormones
Minarkahan: beer, blogging, bold, buhay, college, damdamin, emotion, girl, girlfriend, girls, highschool, hormones, kuwentong pag-ibig, kwento, lab, langit, learn, life, live, love, love life, megan, megan fox, motel, puson, room service, sanaysay, scene, sexy, storm, syota, tambay sa motel
Disyembre 3, 2008 · Mga Puna
SCENE 8:
NAPALITAN na ng ambon ang malakas na ulan.
Sinamantala ng mga taong nakisilong ang pagkakataong ito upang magsipag-alisan na sa mga lugar na sumuklob sa kanila nu’ng kalakasan ng bagyo. Kami ng (almost) girlfriend kong si Megan ay lumabas na rin sa “Luto Ng Ina Mo Carenderia”. Halatang binagyo rin kami dahil parehong basa ang aming damit at buhok, walang pinag-iba sa mga taong nagsisipaglakad-takbo ngayon sa lansangan papunta sa kung saang lupalop na walang baha.
Lubog nga ang kalye sa harapan ng carenderia. Kaya ‘yung mga taong hindi na makapaghintay ng pagbaba ng tubig ay nakalusong na sa baha na hangang hita na ang taas (medyo hanggang baywang na ito kung mala-duwende ang height mo). Sandamakmak na sasakyan ang nakatirik: kotse, motor, trak, bus: mga naglakas-loob na tumawid sa tubig na lalamunin lang ang karburador ng kahit anong sasakyan upang gawin itong islang-bakal sa gitna ng kalye-dagat.
Nakatirik din kami ni Megan sa gilid ng kalyeng ‘yun. Palinga-linga ako. Naghahanap ng direksyon. Kanan ba? Kaliwa? O diretso?
Pagtingin ko sa tabi ko, napansin ko nakanguso si Megan at nagpapapungay ng mata. ‘Yung tipong manghahalik na naka-pout ‘yung kanyang mega-kissable lips.
Ah, nanunukso na naman ito– isip ko. Kanina pa ako kinukulit nito, e.
Patulan ko kaya.
Itinupi ko ang lower lip ko papasok sa bibig para mabasa nang konti at nag-pout din ako ng lips pagkatapos. Dahan-dahan kong inilapit ang nguso ko sa pouting lips ni Megan para halikan siya.
Hinawakan ni Megan ang magkabila kong pisngi ng malambot niyang mga palad bago pa man ako nakalapit sa mukha niya. Unti-unting humigpit ang pagkakaipit niya sa mukha ko. Parang naging manibela ng kotse ang bungo ko nang iniliko niya ang ulo ko sa direksyon ng isang karatulang may drowing ng isang babaeng nakanguso rin… pero may isang daliri na nakapatong sa lips… parang sinasabi ng drowing: “ssshhh…”
“VICTORIA COURT: Feel the distinction” <click to see what I saw)
Nabali yata ang leeg ko sa mala-aikido defense ni Megan. Nawala tuloy ‘yung pouting lips ko pero napalitan ito ng pilyong ngiti.
Para akong naging astronaut. I’m about to take “one giant leap for MYkind”. I’m about to go to Planet VC.
Bihira nga ang mga araw na nagkakaroon ng planetary alignment or lunar eclipse pero nu’ng mga sandaling ‘yun tamang tama ang pagkakapila ng mga elemento: Cerenderia sa likuran ko, motel sa harapan ko at si Megan na basang-basa ang damit sa aking tabi.
Napansin ko na lang bigla magkahawak-kamay na kaming naglalakad, nakalusong na sa gitna ng baha na hangang tuhod ang taas.
Pasalubong kami sa alon. Papatawid sa kalyeng lubog. Pasingit-singit sa mga islang-bakal.
Sa pagmamadali namin, minsan biglang tumataas at tumatalsik ang maruming tubig-baha. Sumasayad sa singit ko. Naisip ko bigla, baka magka-kurikong kami ni Megan dahil sa mala-imburnal na tubig. Nakaramdam tuloy ako nang pangangati sa pagitan ng mga hita ko. Nahiya naman akong magkamot ng betlog sa harap ni Megan. Baka sabihin niya, “sabik.”
Si Megan kaya, nangangati na rin? – aLjI1208
Mga Kategoriya: don't tell motel · love slave · raging hormones
Minarkahan: kolehiyo, college, hormones, high school, rain, girlfriend, storm, motel, love, life, sanaysay, puson, tambay sa motel, blogging, kwento, victoria court
SCENE 7:
“GUSTO mo palipas muna tayo ng bagyo sa motel?”
‘Yan ang tanong ng almost– take note, ALMOST girlfriend ko sa akin.
Tanong na ikinatulala ko nang matagal.
Actually, hindi ko pa siya official GF. Nanliligaw pa lang ako kay Megan. At least, that’s what I thought.
Maybe I missed something somewhere? Dahil parang “kami” na nga mula kanina nu’ng umangkla siya sa braso ko from school nu’ng sinundo ko siya.
Ayoko pa ring umasa; paano kung mali ang kutob ko.
Alam ko ang iniisip n’yo sa akin: “Ang tanga naman nito.”
Isasagot ko sa inyo: “Slowly but surely.”
Bumagal nga ang mga pangyayari. Nakikisilong pa rin kami sa carenderia. Tuloy pa rin ang signal No. 3 na bagyo sa labas ng tindahan. Tumaas na nang tuluyan ang baha mula tuhod hanggang hita.
Ang alam ko ngayon, we need to go somewhere else. Hindi naman “Paano?” ang tanong niya, ‘di ba? Ang tanong niya, “Saan?” ‘Yan ang dapat kong sagutin. ‘Tsaka na ako mag-iisip ng sagot sa “Paano?”
Puro kabastusan kasi ang naiisip kong sagot diyan.
“Boss, magsasara na kami. Aabot na ang baha sa loob ng tindahan namin,” sabi ng katulong-looking girl na nag-serve sa amin ng softdrinks kanina.
“Ah, okey. Thank you,” sabi ko.
“So… paano na tayo?” Ang bagal mo naman,” tanong ulit ni Megan sa tonong nangungutya.
Iniisip ko napu-possess kaya siya? Or it’s just THAT time of the month na “tag-init” ang isang babae.
O malisyoso lang akong masyado. Hindi naman lahat ng nagmu-motel nag-aanuhan, ‘di ba?
O tanga nga siguro ako — aLjI
Mga Kategoriya: don't tell motel · love slave · raging hormones
Minarkahan: blogging, girlfriend, hormones, kwento, lab, motel, sanaysay, short time, storm, tambay sa motel