SCENE 8:
NAPALITAN na ng ambon ang malakas na ulan.
Sinamantala ng mga taong nakisilong ang pagkakataong ito upang magsipag-alisan na sa mga lugar na sumuklob sa kanila nu’ng kalakasan ng bagyo. Kami ng (almost) girlfriend kong si Megan ay lumabas na rin sa “Luto Ng Ina Mo Carenderia”. Halatang binagyo rin kami dahil parehong basa ang aming damit at buhok, walang pinag-iba sa mga taong nagsisipaglakad-takbo ngayon sa lansangan papunta sa kung saang lupalop na walang baha.
Lubog nga ang kalye sa harapan ng carenderia. Kaya ‘yung mga taong hindi na makapaghintay ng pagbaba ng tubig ay nakalusong na sa baha na hangang hita na ang taas (medyo hanggang baywang na ito kung mala-duwende ang height mo). Sandamakmak na sasakyan ang nakatirik: kotse, motor, trak, bus: mga naglakas-loob na tumawid sa tubig na lalamunin lang ang karburador ng kahit anong sasakyan upang gawin itong islang-bakal sa gitna ng kalye-dagat.
Nakatirik din kami ni Megan sa gilid ng kalyeng ‘yun. Palinga-linga ako. Naghahanap ng direksyon. Kanan ba? Kaliwa? O diretso?
Pagtingin ko sa tabi ko, napansin ko nakanguso si Megan at nagpapapungay ng mata. ‘Yung tipong manghahalik na naka-pout ‘yung kanyang mega-kissable lips.
Ah, nanunukso na naman ito– isip ko. Kanina pa ako kinukulit nito, e.
Patulan ko kaya.
Itinupi ko ang lower lip ko papasok sa bibig para mabasa nang konti at nag-pout din ako ng lips pagkatapos. Dahan-dahan kong inilapit ang nguso ko sa pouting lips ni Megan para halikan siya.
Hinawakan ni Megan ang magkabila kong pisngi ng malambot niyang mga palad bago pa man ako nakalapit sa mukha niya. Unti-unting humigpit ang pagkakaipit niya sa mukha ko. Parang naging manibela ng kotse ang bungo ko nang iniliko niya ang ulo ko sa direksyon ng isang karatulang may drowing ng isang babaeng nakanguso rin… pero may isang daliri na nakapatong sa lips… parang sinasabi ng drowing: “ssshhh…”
“VICTORIA COURT: Feel the distinction” <click to see what I saw)
Nabali yata ang leeg ko sa mala-aikido defense ni Megan. Nawala tuloy ‘yung pouting lips ko pero napalitan ito ng pilyong ngiti.
Para akong naging astronaut. I’m about to take “one giant leap for MYkind”. I’m about to go to Planet VC.
Bihira nga ang mga araw na nagkakaroon ng planetary alignment or lunar eclipse pero nu’ng mga sandaling ‘yun tamang tama ang pagkakapila ng mga elemento: Cerenderia sa likuran ko, motel sa harapan ko at si Megan na basang-basa ang damit sa aking tabi.
Napansin ko na lang bigla magkahawak-kamay na kaming naglalakad, nakalusong na sa gitna ng baha na hangang tuhod ang taas.
Pasalubong kami sa alon. Papatawid sa kalyeng lubog. Pasingit-singit sa mga islang-bakal.
Sa pagmamadali namin, minsan biglang tumataas at tumatalsik ang maruming tubig-baha. Sumasayad sa singit ko. Naisip ko bigla, baka magka-kurikong kami ni Megan dahil sa mala-imburnal na tubig. Nakaramdam tuloy ako nang pangangati sa pagitan ng mga hita ko. Nahiya naman akong magkamot ng betlog sa harap ni Megan. Baka sabihin niya, “sabik.”
Si Megan kaya, nangangati na rin? – aLjI1208



