KALYE ONSE

Mga lahok na minarkahan bilang ‘lab’

MAY ROOM SERVICE SA “LANGIT”

Agosto 8, 2009 · Mga Puna

SCENE 10

room_serviceLANGIT” para sa iba ang isang motel room. Isa na ako sa “iba” ngayon.

 Ang “langit” na pinuntahan namin ni Megan ay nahahati sa tatlong parte: ang service area, ang bedroom at ang toilet.

Kung nakatayo ka sa labas ng carpeted na hallway, pagbukas mo ng kuwartong assign sa iyo, service area ang unang bubulaga sa mga mata mo. Hindi raw ito ang lugar nang romansahan, ayon sa mga informer ko. Pero depende na raw sa tao ‘yun. Actually, dito iniiwan ng waiter ang kung anumang in-order mo from room service.

Maliit na kuwarto lang ang service area, na kung susukatin kumpara sa toilet, mga labindalawang  inidoro ang kasya dito kung ipipila sila nang magkakatabi. 4 by 4 ‘ika nga. Hawig nito ang pagkaka-design sa bedroom: carpeted, may mini-table at dalawang stylish na upuan na nakasandig sa pader . Dito nga nagka-kainan (kha-eeeee-nan) ang mga nagmo-motel. May pintuan ito with lock going to the hallway at may isa pang pintuan papunta sa naman kabilang kuwarto, ‘yung bedroom –with lock from the bedroom side. Meaning puwedeng buksan ang pinto para makapasok ang bellboy sa service area habang naka-lock naman ang pintuan papuntang bedroom. Safe nga at hindi kayo makikita ng bellboy kung magde-deliver siya ng kung anuman sa kuwarto n’yo.

Speaking of delivery, ano nga ba ang Top 5 ino-order sa motel ‘pag nagtse-check in?

No. 5 – Pancit (it’s a party place?)

No. 4—Fried Chicken (mahirap mag- lechon sa motel?)

No. 3– Coke (for girls?)

No. 2–San Mig Lights (for boys!!!<<pampalakas-loob at for girls? <<pampawala sa sarili??)

at ang

No. 1—Condom (safety first?).

Um-order ako ng No. 5 kasi mura at parang happy birthday na rin para sa akin.

Si Megan ang regalo kung susuwertehin.

Um-order din ako ng No. 1, panigurado siyempre.  Ayoko pang maging ama.

Nasa banyo si Megan kaya hindi niya alam ‘yung mga in-oder ko.

Naliligo na siya. Dinig ko ang pagaspas ng shower, e. (aLjI09)

Mga Kategoriya: MEGANdang XPirience · cutie-QC · don't tell motel · love slave · raging hormones
Minarkahan: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

“SQUISH… SQUISSHH… SQUISSSHHH”

Enero 26, 2009 · Mag-iwan ng Puna

stairwaySCENE 9

MATAPOS ang ilang minutong pangangati at walang imikang paglalakad sa baha, nakatawid na rin kami ni Megan sa kalyeng lubog sa maruming tubig. Hindi na nga lang damit ang basa sa aming dalawa kundi pati pantalon ko at ang palda niyang brown–na kanina lang ay kulay puti.

“Naiwan natin ‘yung payong mo sa carenderia,” paalala ko sa resulta aking pagkataranta dahil sa pagyayaya ni Megan na mag-motel kami.

“Okey lang ‘yan. Ambon na lang naman, eh. Ayoko nang tumawid ulit, ha,” pakiusap niya. “Balikan na lang natin after three hours.”

THREE HOURS?

“Nasa’n na ba tayo?” painosente kong tanong.

“Entrance ng Victoria. Lika na Julio at lamig na lamig na ako.”

“Ah, eh…” sabat ko ulit. “Pwede bang pumasok nang naglalakad lang?”

“Teka, ha. Tatanong ko…”

“Oy, teka muna! Wag ka nang magtanong, Meg. Lika na pasok na tayo.”

Aaminin ko hindi ako makalulon ng laway sa kaba. Parang nakabara ‘yung betlog ko sa lalamunan ko. Tinititigan ko si Megan parang kinakabahan din siya. Parang nakabara din ‘yung betlog ko sa…

“Wow,” sabay naming nasabi sa nakita namin sa loob ng compound ng VC.

Walang baha na nakapasok sa loob ng compound. Tahimik at maayos ang paligid. Kabaliktaran ng mga kaguluhan ng bagyo sa labas.

Parang mga low-cost apartment ang nasa loob—pila-pila ang mga bahay at lahat may garahe. Sa paligid ng garahe at driveway, nakapila rin ang malalagong halaman na bougainvilla at gumamela. Meron ding mga puno ng niyog (na bansot kung tutuusin kesa sa mga puno ng niyog na nakita ko na).

Sa ‘di kalayuan sa entrance, nakapila naman ang mga taksi na walang mga driver sa loob. Kung pakasusuriin, parang wala ngang tao sa loob ng compound.

“Tao pooo!” sigaw ko.

Pinisil ako ni Megan sa braso sabay bungisngis.

Biglang may lumabas na lalaking naka-uniporme na parang bellboy sa hotel.

Sumenyas siya sa amin ni Megan: “Dito, Boss…” sabi niya kasabay ng isang mala-baklang kumpas ng kanang kamay na parang may ipinapakitang papremyo sa Wowowie. Itinuturo niya ang isang maliit na daanan papataas: “STAIRWAY” << ito mismo ang nakasulat sa signage.

“Stairway… to heaven,” bulong ni Megan na hindi ko alam kung tatawa ba ako o mangingisay sa kasabikan.

Pang-isahang tao lang ang stairway sa pagpanhik pero carpeted. Pulang-pula ang carpet na singkulay ng sahig ‘pag may ikinakasal sa simbahan. Feeling ko ikakasal din kami ni Megan habang naglalakad sa carpet na ‘yun. “Kasal sa banig”– sabi nga ng matatanda na ngayon ko lang naintindihan kung ano ang ibig sabihin. Although sa kasong ito, “kasal sa carpet” ang mas nararapat.

Pagdating namin sa second floor, mahaba pa pala ang lalakaran at dimlight ang mas maluwag na hallway hanggang dulo. Palinga-linga ako habang naglalakad. Binibilang ko ang bawat pinto na nilalampasan namin. Iniisip kung anu-ano ang mga eksenang nagaganap sa likuran ng bawat dingding. Pero si Megan nakayuko lang habang mahigpit na nakakapit sa braso ko. Siguro feeling “shy”: Siya’y Shy basa at shy nahihiya.

Nahihiya rin naman ako kaya nga dinadama ko na lang ang lambot ng carpet sa bawat hakbang ko. Alam n’yo ba, masarap humakbang ‘pag basa ang loob ng sapatos. Idiniin ko nga nang ilang beses sa carpet ang sapatos ko para malinisan at maalis ang mga nakadikit na dumi at putik sa talampakan. Tumigil lang ako nang kinurot na naman ako ni Megan.

“Ano ka ba? Dinig ‘yung squish ng sapatos mo.”

Oo nga pala. ‘Pag ang medyas na basa ay idiniin mo sa loob ng isang basang sapatos, “squish” ang sound effect. Pinilit kong tigilan na ang madiin na paghakbang pero ang squishing sound, ayaw nang mawala. So, habang naglalakad kami sa tahimik na hallway puro “squish… squisshh… squissshhh…” ang umaalingawngaw. Pero, I swear. Kahit hindi ako humahakbang–kung pakikinggang mabuti–meron ding “squish… squish… squish” na tunog galing sa mga kuwartong nilalampasan namin.

Mga dalawampu’t walo pang pag-squish ng sapatos ko, finally nasa harap na naming ni Megan ang pinto ng magiging kuwarto namin sa susunod na three hours (according to her calculations).

“’Eto, ser—3134,” binuksan nung bellboy ‘yung room. Iniabot sa akin ‘yung susi at umalis na siya nang walang ibang sinabi.

Mula sa pagkakayuko namin, unti-unting sinilip namin sa siwang ng pinto ang loob ng Room 3134.

Kung dimlight ang hallway, may mas dimmer pa pala. Puro lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng kuwarto. Parang madilim. Pero hindi naman.

“Ah, ito siguro ‘yung tinatawag na romantic room?” isip ko.

Pinisil ni Megan ang palad ko na may halong hatak papasok sa kuwarto.

Nawala na ang betlog ko sa lalamunan kaya napalunok ako.

Wala na ngang atrasan ito.—aLjI0109

Mga Kategoriya: MEGANdang XPirience · don't tell motel · raging hormones
Minarkahan: , , , , , , , , , , , ,

MGA TANONG NG TANGA

Disyembre 3, 2008 · Mag-iwan ng Puna

confusedman1SCENE 7:

GUSTO mo palipas muna tayo ng bagyo sa motel?”

‘Yan ang tanong ng almost– take note, ALMOST girlfriend ko sa akin.

Tanong na ikinatulala ko nang matagal.

Actually, hindi ko pa siya official GF. Nanliligaw pa lang ako kay Megan. At least, that’s what I thought.

Maybe I missed something somewhere? Dahil parang “kami” na nga mula kanina nu’ng umangkla siya sa braso ko from school nu’ng sinundo ko siya.

Ayoko pa ring umasa; paano kung mali ang kutob ko.

Alam ko ang iniisip n’yo sa akin: “Ang tanga naman nito.”

Isasagot ko sa inyo: “Slowly but surely.”

Bumagal nga ang mga pangyayari. Nakikisilong pa rin kami sa carenderia. Tuloy pa rin ang signal No. 3 na bagyo sa labas ng tindahan. Tumaas na nang tuluyan ang baha mula tuhod hanggang hita.

Ang alam ko ngayon, we need to go somewhere else. Hindi naman “Paano?” ang tanong niya, ‘di ba? Ang tanong niya, “Saan?” ‘Yan ang dapat kong sagutin. ‘Tsaka na ako mag-iisip ng sagot sa “Paano?”

Puro kabastusan kasi ang naiisip kong sagot diyan.

“Boss, magsasara na kami. Aabot na ang baha sa loob ng tindahan namin,” sabi ng katulong-looking girl na nag-serve sa amin ng softdrinks kanina.

“Ah, okey. Thank you,” sabi ko.

“So… paano na tayo?” Ang bagal mo naman,” tanong ulit ni Megan sa tonong nangungutya.

Iniisip ko napu-possess kaya siya? Or it’s just THAT time of the month na “tag-init” ang isang babae.

O malisyoso lang akong masyado. Hindi naman lahat ng nagmu-motel nag-aanuhan, ‘di ba?

O tanga nga siguro ako — aLjI

Mga Kategoriya: don't tell motel · love slave · raging hormones
Minarkahan: , , , , , , , , ,