MULA nang makakita ako ng mga hubad na larawan sa isang kalendaryo ng alak, naging tattoo na sa isip ko ang mga pahina ng kalendaryong ‘yun. At tuwing naaalala ko ito, nag-iiba ang pakiramdam ko. Naikuwento ko ito sa mga kaklase ko nu’ng nag-inuman SILA.
Oo, sila lang ang nag-iinuman, dahil kahit nakikisama ako sa mga lasenggong ‘yun, hindi ako umiinom ng beer. Pero nu’ng naikuwento ko ‘yung tungkol sa mga kalendaryo pinilit nila akong uminom dahil kulang lang daw ako sa alcohol.
Halos matanggal ang ulo ko sa kaiiling habang nangangawit na ang kabarkada ko sa iniaabot niyang isang bote ng beer. ‘Sabay kasi sa pangako kong dapat makakita ako ng naka-bold bago grumadweyt ng highschool ay ang isa pang pangako: Hindi ako iinom hangga’t hindi pa ako nakaka-graduate. Saliwa, ano?
Pero dahil sa peer at beer pressure, napilit din akong lumagok ng isang buong bote ng beer. Isang bote sa tatlong lagok–sabay suka ako sa harap ng mga lokong kaibigan ko.
“Gwaaaaaaarrrkkkk!!! “
Siyempre pinagtawanan nila ako. Patas lang dahil sinukahan ko naman ‘yung pulutan nilang sardinas na pinigaan ng kalamansi.
Nag-walk out na ako paalis sa inuman na ‘yun dahil napahiya na ako sa alaskahan at naiihi na rin ako kanina pa. Dinig ko pa ang tawanan nila noong pumuwesto ako sa isang puno na malapit na pader para jumingle. Habang hinihintay kong pumatak ang ihi ko, may narinig akong kumakanta. Boses babae.
Tumingala ako. Dalawang palapag ang taas ng punong iniihian ko at ang isa sa malaking sanga nito ay nakatapat ang isang bintanang bukas. Doon galing ang kanta. Bukas ang ilaw sa loob ng bintana. Malago ang mga dahon sa puno. Madilim na ang gabi. Akyatin ko kaya at tingnan kung sino ang kumakanta? ( aLjI0708 )
