KALYE ONSE

Mga lahok na minarkahan bilang ‘love’

MAY ROOM SERVICE SA “LANGIT”

Agosto 8, 2009 · Mga Puna

SCENE 10

room_serviceLANGIT” para sa iba ang isang motel room. Isa na ako sa “iba” ngayon.

 Ang “langit” na pinuntahan namin ni Megan ay nahahati sa tatlong parte: ang service area, ang bedroom at ang toilet.

Kung nakatayo ka sa labas ng carpeted na hallway, pagbukas mo ng kuwartong assign sa iyo, service area ang unang bubulaga sa mga mata mo. Hindi raw ito ang lugar nang romansahan, ayon sa mga informer ko. Pero depende na raw sa tao ‘yun. Actually, dito iniiwan ng waiter ang kung anumang in-order mo from room service.

Maliit na kuwarto lang ang service area, na kung susukatin kumpara sa toilet, mga labindalawang  inidoro ang kasya dito kung ipipila sila nang magkakatabi. 4 by 4 ‘ika nga. Hawig nito ang pagkaka-design sa bedroom: carpeted, may mini-table at dalawang stylish na upuan na nakasandig sa pader . Dito nga nagka-kainan (kha-eeeee-nan) ang mga nagmo-motel. May pintuan ito with lock going to the hallway at may isa pang pintuan papunta sa naman kabilang kuwarto, ‘yung bedroom –with lock from the bedroom side. Meaning puwedeng buksan ang pinto para makapasok ang bellboy sa service area habang naka-lock naman ang pintuan papuntang bedroom. Safe nga at hindi kayo makikita ng bellboy kung magde-deliver siya ng kung anuman sa kuwarto n’yo.

Speaking of delivery, ano nga ba ang Top 5 ino-order sa motel ‘pag nagtse-check in?

No. 5 – Pancit (it’s a party place?)

No. 4—Fried Chicken (mahirap mag- lechon sa motel?)

No. 3– Coke (for girls?)

No. 2–San Mig Lights (for boys!!!<<pampalakas-loob at for girls? <<pampawala sa sarili??)

at ang

No. 1—Condom (safety first?).

Um-order ako ng No. 5 kasi mura at parang happy birthday na rin para sa akin.

Si Megan ang regalo kung susuwertehin.

Um-order din ako ng No. 1, panigurado siyempre.  Ayoko pang maging ama.

Nasa banyo si Megan kaya hindi niya alam ‘yung mga in-oder ko.

Naliligo na siya. Dinig ko ang pagaspas ng shower, e. (aLjI09)

Mga Kategoriya: MEGANdang XPirience · cutie-QC · don't tell motel · love slave · raging hormones
Minarkahan: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

“SSSHHH…”

Disyembre 3, 2008 · Mga Puna

vcSCENE 8:

NAPALITAN na ng ambon ang malakas na ulan.

Sinamantala ng mga taong nakisilong ang pagkakataong ito upang magsipag-alisan na sa mga lugar na sumuklob sa kanila nu’ng kalakasan ng bagyo. Kami ng (almost) girlfriend kong si Megan ay lumabas na rin sa “Luto Ng Ina Mo Carenderia”. Halatang binagyo rin kami dahil parehong basa ang aming damit at buhok, walang pinag-iba sa mga taong nagsisipaglakad-takbo ngayon sa lansangan papunta sa kung saang lupalop na walang baha.

Lubog nga ang kalye sa harapan ng carenderia. Kaya ‘yung mga taong hindi na makapaghintay ng pagbaba ng tubig ay nakalusong na sa baha na hangang hita na ang taas (medyo hanggang baywang na ito kung mala-duwende ang height mo). Sandamakmak na sasakyan ang nakatirik: kotse, motor, trak, bus: mga naglakas-loob na tumawid sa tubig na lalamunin lang ang karburador ng kahit anong sasakyan upang gawin itong islang-bakal sa gitna ng kalye-dagat.

Nakatirik din kami ni Megan sa gilid ng kalyeng ‘yun. Palinga-linga ako. Naghahanap ng direksyon. Kanan ba? Kaliwa? O diretso?

Pagtingin ko sa tabi ko, napansin ko nakanguso si Megan at nagpapapungay ng mata. ‘Yung tipong manghahalik na naka-pout ‘yung kanyang mega-kissable lips.

Ah, nanunukso na naman ito– isip ko. Kanina pa ako kinukulit nito, e.

Patulan ko kaya.

Itinupi ko ang lower lip ko papasok sa bibig para mabasa nang konti at nag-pout din ako ng lips pagkatapos. Dahan-dahan kong inilapit ang nguso ko sa pouting lips ni Megan para halikan siya.

Hinawakan ni Megan ang magkabila kong pisngi ng malambot niyang mga palad bago pa man ako nakalapit sa mukha niya. Unti-unting humigpit ang pagkakaipit niya sa mukha ko. Parang naging manibela ng kotse ang bungo ko nang iniliko niya ang ulo ko sa direksyon ng isang karatulang may drowing ng isang babaeng nakanguso rin… pero may isang daliri na nakapatong sa lips… parang sinasabi ng drowing: “ssshhh…”

“VICTORIA COURT: Feel the distinction”  <click to see what I saw)

Nabali yata ang leeg ko sa mala-aikido defense ni Megan. Nawala tuloy ‘yung pouting lips ko pero napalitan ito ng pilyong ngiti.

Para akong naging astronaut. I’m about to take “one giant leap for MYkind”. I’m about to go to Planet VC.

Bihira nga ang mga araw na nagkakaroon ng planetary alignment or lunar eclipse pero nu’ng mga sandaling ‘yun tamang tama ang pagkakapila ng mga elemento: Cerenderia sa likuran ko, motel sa harapan ko at si Megan na basang-basa ang damit sa aking tabi.

Napansin ko na lang bigla magkahawak-kamay na kaming naglalakad, nakalusong na sa gitna ng baha na hangang tuhod ang taas.

Pasalubong kami sa alon. Papatawid sa kalyeng lubog. Pasingit-singit sa mga islang-bakal.

Sa pagmamadali namin, minsan biglang tumataas at tumatalsik ang maruming tubig-baha. Sumasayad sa singit ko. Naisip ko bigla, baka magka-kurikong kami ni Megan dahil sa mala-imburnal na tubig. Nakaramdam tuloy ako nang pangangati sa pagitan ng mga hita ko. Nahiya naman akong magkamot ng betlog sa harap ni Megan. Baka sabihin niya, “sabik.”

Si Megan kaya, nangangati na rin? – aLjI1208

Mga Kategoriya: don't tell motel · love slave · raging hormones
Minarkahan: , , , , , , , , , , , , , , ,

MEGAN FOX MAYBE TODAY

Agosto 16, 2008 · Mga Puna

TOTOO minsan ang kasabihang “great things come to those who wait”. Akalain mo pagtapos ng isa’t kalahating oras ng paghihintay ay dumating din ang babaeng nagpapakilig sa akin. Tumatakbo siya sa paghabol dahil sasabit na sana ako sa jeep para makauwi. Akala ko na-stood up na naman ako.

Naghintay ako sa labas ng gate ng iskwelahan nila dahil nangako akong susundo sa kanya pag-uwi. Nangingilo na ako sa kakanguya ng stork maiwasan lang ang pagkabagot sa sobrang tagal niyang dumating. Hindi lang ‘yan, nanginginig na rin ako sa ginaw dahil umuulan na at super-lamig ng hangin dala ng bagyong biglang dumating na signal no. 3. Pero nang marinig ko ang boses niyang medyo paos at makita ang ganda niyang mala-signal no. 3 din ang dating, natunaw ulit ang puso ko na parang ice cream.

Kahawig siya nu’ng babaeng leading lady sa pelikulang “Transformers”, si Megan Fox: matangkad, balingkinitan ang katawan, makapal at mahaba ang buhok, mapungay ang mga matang may mahahabang pilik, labi niya ay nakanguso nang konti na parang ready na humalik anytime. At ang pinakamahalaga para sa akin ngayon, cute siyang tumakbo. Malakas ang alog.

SCENE 4:

“Mahihirapan na tayong maka-uwi,” sabi ni Megan (look-alike) sabay kuha niya sa kanang kamay ko. Naisip ko: Holding hands?! This is my lucky day. “Galing ako sa kabilang gate, baha na du’n… stranded ang mga classmates ko. Tapos naalala ko susundo ka nga pala dito sa Gate 1 kaya ako bumalik. Sorry, ha. Nag-panic ako, e.”

“Okey lang.” pa-cute kong sagot. ”‘Buti may payong ka. Nakalimutan ko kasing magdala, e.”

“Share na lang tayo. Kasya naman ang dalawa dito. So, sa’n tayo ngayon?”

Naisip ko habang nakakuyabit siya sa akin at lumalakas lalo ang ulan: Saan nga ba kami dadaan papalabas ng school? Baha sa Gate 2. Baha na rin dito sa kalyeng kinatatayuan namin. May mga jeep pa rin kaso, hanggang bubong na ang pasahero. Hindi naman puwedeng pasabitin ko rin siya sa barandilya ng jeep.

Iisa na lang ang pwedeng pagdaanan: May alam akong short-cut na itinuro sa akin ng isang kabarkada ko, diretso papalabas ng highway: Sa maliit na Gate 3 ng school. Hindi binabaha doon kasi medyo mataas ang lugar. Pero ang nakakahiya, puro motel ang nasa kaliwa at kanan ng kalyeng ‘yun. Lahat ng dumadaan, kung marumi ang isip mo, sasabihin mong galing sila sa isa sa mga motel doon. Na kadalasan totoo.

“May alam akong short cut.. kaso…” napalunok ako.

“Sa Gate 3?” siya na ang tumapos ng sentence.

“Doon nga ako dapat dadaan kanina. Nahiya lang ako kasi… alam mo na. Mahirap na’ng matsismis sa hindi mo boyfriend.”

BOYFRIEND?

“Ibig mong sabihin, okey lang sa ‘yo kung boyfriend mo ang kasabay?”

“Lika na… nababasa na ako.”

Pagkasabi niya nu’n, umangkla na siya sa braso ko.

Hawak niya ako. Hawak ko ang payong.

Nanginig ako bigla habang naglalakad.

Pero hindi na dahil sa ginaw.–aLjI0808

 

ITUTULOY…

Mga Kategoriya: love slave
Minarkahan: , , , , , , , , , ,