MAY ROOM SERVICE SA “LANGIT”

SCENE 10

room_serviceLANGIT” para sa iba ang isang motel room. Isa na ako sa “iba” ngayon.

 Ang “langit” na pinuntahan namin ni Megan ay nahahati sa tatlong parte: ang service area, ang bedroom at ang toilet.

Kung nakatayo ka sa labas ng carpeted na hallway, pagbukas mo ng kuwartong assign sa iyo, service area ang unang bubulaga sa mga mata mo. Hindi raw ito ang lugar nang romansahan, ayon sa mga informer ko. Pero depende na raw sa tao ‘yun. Actually, dito iniiwan ng waiter ang kung anumang in-order mo from room service.

Maliit na kuwarto lang ang service area, na kung susukatin kumpara sa toilet, mga labindalawang  inidoro ang kasya dito kung ipipila sila nang magkakatabi. 4 by 4 ‘ika nga. Hawig nito ang pagkaka-design sa bedroom: carpeted, may mini-table at dalawang stylish na upuan na nakasandig sa pader . Dito nga nagka-kainan (kha-eeeee-nan) ang mga nagmo-motel. May pintuan ito with lock going to the hallway at may isa pang pintuan papunta sa naman kabilang kuwarto, ‘yung bedroom –with lock from the bedroom side. Meaning puwedeng buksan ang pinto para makapasok ang bellboy sa service area habang naka-lock naman ang pintuan papuntang bedroom. Safe nga at hindi kayo makikita ng bellboy kung magde-deliver siya ng kung anuman sa kuwarto n’yo.

Speaking of delivery, ano nga ba ang Top 5 ino-order sa motel ‘pag nagtse-check in?

No. 5 – Pancit (it’s a party place?)

No. 4—Fried Chicken (mahirap mag- lechon sa motel?)

No. 3— Coke (for girls?)

No. 2–San Mig Lights (for boys!!!<<pampalakas-loob at for girls? <<pampawala sa sarili??)

at ang

No. 1—Condom (safety first?).

Um-order ako ng No. 5 kasi mura at parang happy birthday na rin para sa akin.

Si Megan ang regalo kung susuwertehin.

Um-order din ako ng No. 1, panigurado siyempre.  Ayoko pang maging ama.

Nasa banyo si Megan kaya hindi niya alam ‘yung mga in-oder ko.

Naliligo na siya. Dinig ko ang pagaspas ng shower, e. (aLjI09)

“SQUISH… SQUISSHH… SQUISSSHHH”

stairwaySCENE 9

MATAPOS ang ilang minutong pangangati at walang imikang paglalakad sa baha, nakatawid na rin kami ni Megan sa kalyeng lubog sa maruming tubig. Hindi na nga lang damit ang basa sa aming dalawa kundi pati pantalon ko at ang palda niyang brown–na kanina lang ay kulay puti.

“Naiwan natin ‘yung payong mo sa carenderia,” paalala ko sa resulta aking pagkataranta dahil sa pagyayaya ni Megan na mag-motel kami.

“Okey lang ‘yan. Ambon na lang naman, eh. Ayoko nang tumawid ulit, ha,” pakiusap niya. “Balikan na lang natin after three hours.”

THREE HOURS?

“Nasa’n na ba tayo?” painosente kong tanong.

“Entrance ng Victoria. Lika na Julio at lamig na lamig na ako.”

“Ah, eh…” sabat ko ulit. “Pwede bang pumasok nang naglalakad lang?”

“Teka, ha. Tatanong ko…”

“Oy, teka muna! Wag ka nang magtanong, Meg. Lika na pasok na tayo.”

Aaminin ko hindi ako makalulon ng laway sa kaba. Parang nakabara ‘yung betlog ko sa lalamunan ko. Tinititigan ko si Megan parang kinakabahan din siya. Parang nakabara din ‘yung betlog ko sa…

“Wow,” sabay naming nasabi sa nakita namin sa loob ng compound ng VC.

Walang baha na nakapasok sa loob ng compound. Tahimik at maayos ang paligid. Kabaliktaran ng mga kaguluhan ng bagyo sa labas.

Parang mga low-cost apartment ang nasa loob—pila-pila ang mga bahay at lahat may garahe. Sa paligid ng garahe at driveway, nakapila rin ang malalagong halaman na bougainvilla at gumamela. Meron ding mga puno ng niyog (na bansot kung tutuusin kesa sa mga puno ng niyog na nakita ko na).

Sa ‘di kalayuan sa entrance, nakapila naman ang mga taksi na walang mga driver sa loob. Kung pakasusuriin, parang wala ngang tao sa loob ng compound.

“Tao pooo!” sigaw ko.

Pinisil ako ni Megan sa braso sabay bungisngis.

Biglang may lumabas na lalaking naka-uniporme na parang bellboy sa hotel.

Sumenyas siya sa amin ni Megan: “Dito, Boss…” sabi niya kasabay ng isang mala-baklang kumpas ng kanang kamay na parang may ipinapakitang papremyo sa Wowowie. Itinuturo niya ang isang maliit na daanan papataas: “STAIRWAY” << ito mismo ang nakasulat sa signage.

“Stairway… to heaven,” bulong ni Megan na hindi ko alam kung tatawa ba ako o mangingisay sa kasabikan.

Pang-isahang tao lang ang stairway sa pagpanhik pero carpeted. Pulang-pula ang carpet na singkulay ng sahig ‘pag may ikinakasal sa simbahan. Feeling ko ikakasal din kami ni Megan habang naglalakad sa carpet na ‘yun. “Kasal sa banig”– sabi nga ng matatanda na ngayon ko lang naintindihan kung ano ang ibig sabihin. Although sa kasong ito, “kasal sa carpet” ang mas nararapat.

Pagdating namin sa second floor, mahaba pa pala ang lalakaran at dimlight ang mas maluwag na hallway hanggang dulo. Palinga-linga ako habang naglalakad. Binibilang ko ang bawat pinto na nilalampasan namin. Iniisip kung anu-ano ang mga eksenang nagaganap sa likuran ng bawat dingding. Pero si Megan nakayuko lang habang mahigpit na nakakapit sa braso ko. Siguro feeling “shy”: Siya’y Shy basa at shy nahihiya.

Nahihiya rin naman ako kaya nga dinadama ko na lang ang lambot ng carpet sa bawat hakbang ko. Alam n’yo ba, masarap humakbang ‘pag basa ang loob ng sapatos. Idiniin ko nga nang ilang beses sa carpet ang sapatos ko para malinisan at maalis ang mga nakadikit na dumi at putik sa talampakan. Tumigil lang ako nang kinurot na naman ako ni Megan.

“Ano ka ba? Dinig ‘yung squish ng sapatos mo.”

Oo nga pala. ‘Pag ang medyas na basa ay idiniin mo sa loob ng isang basang sapatos, “squish” ang sound effect. Pinilit kong tigilan na ang madiin na paghakbang pero ang squishing sound, ayaw nang mawala. So, habang naglalakad kami sa tahimik na hallway puro “squish… squisshh… squissshhh…” ang umaalingawngaw. Pero, I swear. Kahit hindi ako humahakbang–kung pakikinggang mabuti–meron ding “squish… squish… squish” na tunog galing sa mga kuwartong nilalampasan namin.

Mga dalawampu’t walo pang pag-squish ng sapatos ko, finally nasa harap na naming ni Megan ang pinto ng magiging kuwarto namin sa susunod na three hours (according to her calculations).

“’Eto, ser—3134,” binuksan nung bellboy ‘yung room. Iniabot sa akin ‘yung susi at umalis na siya nang walang ibang sinabi.

Mula sa pagkakayuko namin, unti-unting sinilip namin sa siwang ng pinto ang loob ng Room 3134.

Kung dimlight ang hallway, may mas dimmer pa pala. Puro lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng kuwarto. Parang madilim. Pero hindi naman.

“Ah, ito siguro ‘yung tinatawag na romantic room?” isip ko.

Pinisil ni Megan ang palad ko na may halong hatak papasok sa kuwarto.

Nawala na ang betlog ko sa lalamunan kaya napalunok ako.

Wala na ngang atrasan ito.—aLjI0109

“SSSHHH…”

vcSCENE 8:

NAPALITAN na ng ambon ang malakas na ulan.

Sinamantala ng mga taong nakisilong ang pagkakataong ito upang magsipag-alisan na sa mga lugar na sumuklob sa kanila nu’ng kalakasan ng bagyo. Kami ng (almost) girlfriend kong si Megan ay lumabas na rin sa “Luto Ng Ina Mo Carenderia”. Halatang binagyo rin kami dahil parehong basa ang aming damit at buhok, walang pinag-iba sa mga taong nagsisipaglakad-takbo ngayon sa lansangan papunta sa kung saang lupalop na walang baha.

Lubog nga ang kalye sa harapan ng carenderia. Kaya ‘yung mga taong hindi na makapaghintay ng pagbaba ng tubig ay nakalusong na sa baha na hangang hita na ang taas (medyo hanggang baywang na ito kung mala-duwende ang height mo). Sandamakmak na sasakyan ang nakatirik: kotse, motor, trak, bus: mga naglakas-loob na tumawid sa tubig na lalamunin lang ang karburador ng kahit anong sasakyan upang gawin itong islang-bakal sa gitna ng kalye-dagat.

Nakatirik din kami ni Megan sa gilid ng kalyeng ‘yun. Palinga-linga ako. Naghahanap ng direksyon. Kanan ba? Kaliwa? O diretso?

Pagtingin ko sa tabi ko, napansin ko nakanguso si Megan at nagpapapungay ng mata. ‘Yung tipong manghahalik na naka-pout ‘yung kanyang mega-kissable lips.

Ah, nanunukso na naman ito– isip ko. Kanina pa ako kinukulit nito, e.

Patulan ko kaya.

Itinupi ko ang lower lip ko papasok sa bibig para mabasa nang konti at nag-pout din ako ng lips pagkatapos. Dahan-dahan kong inilapit ang nguso ko sa pouting lips ni Megan para halikan siya.

Hinawakan ni Megan ang magkabila kong pisngi ng malambot niyang mga palad bago pa man ako nakalapit sa mukha niya. Unti-unting humigpit ang pagkakaipit niya sa mukha ko. Parang naging manibela ng kotse ang bungo ko nang iniliko niya ang ulo ko sa direksyon ng isang karatulang may drowing ng isang babaeng nakanguso rin… pero may isang daliri na nakapatong sa lips… parang sinasabi ng drowing: “ssshhh…”

“VICTORIA COURT: Feel the distinction”  <click to see what I saw)

Nabali yata ang leeg ko sa mala-aikido defense ni Megan. Nawala tuloy ‘yung pouting lips ko pero napalitan ito ng pilyong ngiti.

Para akong naging astronaut. I’m about to take “one giant leap for MYkind”. I’m about to go to Planet VC.

Bihira nga ang mga araw na nagkakaroon ng planetary alignment or lunar eclipse pero nu’ng mga sandaling ‘yun tamang tama ang pagkakapila ng mga elemento: Cerenderia sa likuran ko, motel sa harapan ko at si Megan na basang-basa ang damit sa aking tabi.

Napansin ko na lang bigla magkahawak-kamay na kaming naglalakad, nakalusong na sa gitna ng baha na hangang tuhod ang taas.

Pasalubong kami sa alon. Papatawid sa kalyeng lubog. Pasingit-singit sa mga islang-bakal.

Sa pagmamadali namin, minsan biglang tumataas at tumatalsik ang maruming tubig-baha. Sumasayad sa singit ko. Naisip ko bigla, baka magka-kurikong kami ni Megan dahil sa mala-imburnal na tubig. Nakaramdam tuloy ako nang pangangati sa pagitan ng mga hita ko. Nahiya naman akong magkamot ng betlog sa harap ni Megan. Baka sabihin niya, “sabik.”

Si Megan kaya, nangangati na rin? — aLjI1208

MGA TANONG NG TANGA

confusedman1SCENE 7:

GUSTO mo palipas muna tayo ng bagyo sa motel?”

‘Yan ang tanong ng almost– take note, ALMOST girlfriend ko sa akin.

Tanong na ikinatulala ko nang matagal.

Actually, hindi ko pa siya official GF. Nanliligaw pa lang ako kay Megan. At least, that’s what I thought.

Maybe I missed something somewhere? Dahil parang “kami” na nga mula kanina nu’ng umangkla siya sa braso ko from school nu’ng sinundo ko siya.

Ayoko pa ring umasa; paano kung mali ang kutob ko.

Alam ko ang iniisip n’yo sa akin: “Ang tanga naman nito.”

Isasagot ko sa inyo: “Slowly but surely.”

Bumagal nga ang mga pangyayari. Nakikisilong pa rin kami sa carenderia. Tuloy pa rin ang signal No. 3 na bagyo sa labas ng tindahan. Tumaas na nang tuluyan ang baha mula tuhod hanggang hita.

Ang alam ko ngayon, we need to go somewhere else. Hindi naman “Paano?” ang tanong niya, ‘di ba? Ang tanong niya, “Saan?” ‘Yan ang dapat kong sagutin. ‘Tsaka na ako mag-iisip ng sagot sa “Paano?”

Puro kabastusan kasi ang naiisip kong sagot diyan.

“Boss, magsasara na kami. Aabot na ang baha sa loob ng tindahan namin,” sabi ng katulong-looking girl na nag-serve sa amin ng softdrinks kanina.

“Ah, okey. Thank you,” sabi ko.

“So… paano na tayo?” Ang bagal mo naman,” tanong ulit ni Megan sa tonong nangungutya.

Iniisip ko napu-possess kaya siya? Or it’s just THAT time of the month na “tag-init” ang isang babae.

O malisyoso lang akong masyado. Hindi naman lahat ng nagmu-motel nag-aanuhan, ‘di ba?

O tanga nga siguro ako — aLjI

PAANO BA MAG-CHECK-IN SA MOTEL?

*Ang nakaraan: “Salamat Sa Bagyo”

 

PAANO nga ba yayayain ang isang (almost) girlfriend na mag-motel kayo?

‘Eto ang mga nakuha kong impormasyon, galing sa mga istambay sa kanto namin.

Advice No. 1 (from Otep, playboy ng Pasay-tambay ng QC):

“Mag-aral ka magmaneho. Hiramin mo kotse ng tatay mo. Isakay mo ‘yung girlfriend mo, sabihin mo date kayo. Pagkatapos ng date n’yo, mag-short cut ka around Pasay, o Sta. Mesa, o Pasig (find any reason to go there). Habang nagmamaneho ka, kuwentuhan mo siya nang kuwentuhan —SABAY BIGLANG LIKO. (Take note: lahat ng “biglang liko” sa mga lugar na nabanggit, siguradong may motel). ‘Pag umangal, mag-inarte, or worst, umiyak bigla ang girlfriend mo sa takot sa ‘pagsasamantala’ mo, i-drive mo na ‘yung sasakyan towards the exit (yes, tagusan daw ang driveway ng lahat ng motel) at mag-sorry ka; sabihin mo, ‘biro lang’. ‘Pag hindi umangal, idiretso mo ‘yung kotse sa ‘garahe’. It’s all up to you from there. Pero tandaan mo, mas mahal ang garahe kesa sa walk-in.”

Advice No. 2 (from Gervy ng Road 9):

“Ako, niyayaya ko muna mag-sine. Dapat ‘yung pinakapangit na pelikula that week—‘yung flop; dapat sa first showing para wala pang tao. Nagdalala ako ng jacket (He’ll explain later—Julio) ‘Tapos uupo kami sa pinakaunahan, or second row, malapit sa screen kasi walang umuupo du’n.  At dahil malamang sa hindi, kami lang ang nanonood during the wee hours of the day, we’re totally free to do anything. The result: Super-heavy petting na definitely worth the censors’ R-rating. ‘Pag super-hot na ang girlfriend ko, it’s much easier to convince her to go and check in. Ah, ‘yung jacket? Pang-cover ng exposed body parts during heavy petting. Nakakahiya namang ma-flashlight kayo ng guard in a compromising pose.”

Advice No. 3 (from Tatang Ipe, veteran drunkard, ‘70s jeffrox):

“Tsongki lang, ‘payag na. Pokpok ba ‘yang girlfriend mo?”

Advice No. 4 (from Jello, sacristan ng OLHP):

“Mga tarantado kayo. ‘Wag n’yong binabastos ang mga babae. Dapat sa kanila minamahal, pinapakasalan………. ‘tsaka tsine-check-in.”

(Napakamot si Jello pagkasabi nito, dahil may nambatok sa ulo niya.)

Advice No. 5 (from Willyboy, professional kubrador ng karera):

“Taya ka muna ng P20 sa Race 2, ‘pag llamado ang kabayo, itodo mo pusta sa next race—’puro’ ka na n’yan. ‘Pag dehado, hintay ka muna; basa ulit sa programa de karera.”

AYOS!

From babae napunta sa kabayo.

But one thing I’ve learned sa tropa (oo, meron din), llamado ako kay Megan.

Siya ang nagyaya na mag-motel kami, e. – aLjI

(Anybody out there with better ideas than these morons will be greatly appreciated.)

 

*photo: http://shalinjain.com

 

SALAMAT SA BAGYO

 

STRANDED kami ng (almost) girlfriend ko sa isang lumang carenderia. Bumubulusok ang ulan sa labas. Hanggang tuhod ang baha sa kalye at mabuti na lang, may kataasan ang flooring ng kinalulugaran namin. Wetlook na kami pareho dahil sa payong na palpak versus the rain pero lalong nagpa-sexy sa (almost ) girlfriend ko ang basa niyang buhok.

There’s something about girls with wet hair.

SCENE 6

 “Hoy, tulala ka na diyan!” tinapik-tapik ako ng palad ni Megan sa kanang pisngi.

“Ah, sorry. Iniisip ko kasi kung makakauwi pa tayo. ‘Tsaka baka magkasakit ka.”

“Uuuy, worried. Hahaha! Okey ako. ‘Wag kang mag-alala,” ngiti ni Megan kaya lumabas ‘yung dimple  niya sa kaliwang pisngi. Medyo mas nae-enjoy yata niya ‘yung paglalakad namin sa baha kesa sa akin.

“Alam mo Julio,” dugtong niya habang sinusuklay ‘yung basa niyang buhok., “gusto ko lang sanang magpatuyo muna ng damit. Giniginaw na ako, e.”

“Oo nga. Actually ako rin.”

“Gusto mo palipas muna tayo ng bagyo sa motel?”

“Sa motel?” — Diretso. Walang drama. Sigurado si Megan sa mga katagang ‘yun.

“Hoy,” tinapik-tapik niyang muli ang pisngi ko, “magpapatuyo lang tayo ng damit.”

Nalunok ko bigla ang kendi ko sa bibig.

“Walang halong kalokohan ‘to. I’m warning you.”

Dahan-dahang napatingin na lang ako sa kisame at napabulong…

 “Thank you, Lord.”—aLjI

ITUTULOY…

 

LUTO NG INA MO

SA PELIKULA magandang tignan ‘yung mga eksenang naglalakad sa ulan ‘yung bidang lalaki at bidang babae na magka-holding hands habang nababasa sila.

Sa totoong buhay hinde. Lalo na kung basang-basa ka na sa sobrang lakas na ulan. Nanginginig ka na sa lamig ng basa mong damit at pati loob ng sapatos mo ay naglalawa na sa putik dahil sa kalulusong mo sa baha.

‘Yun ako–kami –nu’ng araw na ‘yun. Basa, giniginaw at feeling dirrrty.

Pati tuloy takbo ng isip ko dirty. I was worrying about my (almost) girlfriend getting wet.  

Literally.

SCENE 5

Kasama ko ang (magiging) girlfriend ko—si Megan. Sinundo ko siya from her school at inabot na nga kami ng bagyo at baha. Basa na kami pareho sa sa ulan na parang galing sa hose ng bumbero. Ngayon lang ako nakaranas ng ulan na sideways kung bumagsak dahil sa lakas ng hangin. Magkasukob lang kami sa iisang payong na pang-isahang tao lang talaga kaya mula buhok, balikat, gilid ng katawan, hips, thighs at legs, basa na kaming pareho.

Romantic siguro kung naglalakad kami sa ulan pero ‘yung naglalakad sa baha na hanggang tuhod, hinde yata. Most of the time inaalalayan ko si Megan (and vice-versa) para ‘wag kaming tangayin ng maliliit na alon na may kasamang mga plastic at karton at kung anu-anong basurang-kalye na tinatangay rin ng agos.

And man, was she wet. Napansin kong basa na ang buong likuran ng puting uniform niya at kaya pala ‘pag lumilingon ako, nakikita ko minsan na tinitignan kami ng mga tao sa likuran naming nakalusong din, kasi bakat na ‘yung bra niya from behind.

“Megan,” nahihiya kong sabi. “Gusto mo sumilong muna tayo du’n sa carinderyang ‘yun?”

“Ah, sige.”

Maliit lang at luma na ang carenderia. Nakakatawa ang pangalan: “Luto ng Ina Mo”, parang nagmumura, na gusto ko ring gawin dahil sa buwisit na bagyo. Walang customer sa loob pero puno ng mga tao sa harap ng tindahan. Mga nakikisilong sa ilalim ng tolda na nakalungayngay na at malapit nang umapaw dahil sa naipong tubig-ulan. ‘Yung ibang mga nakikisilong, tinutulak nang dahan-dahan ng mga daliri nila ‘yung lundo para umawas sa gilid ang napupuno nang takip.

 Kami ni Megan,  dumiretso na sa loob at naupo sa isang mesa. Habang pinapagpag ko ang walang-silbi naming payong, nagpupunas ng panyo si Megan. Ewan ko kung bakit pa, eh, basa rin naman ‘yung panyo niyang ginagamit. Wala ring silbi.

Nangiti na lang si Megan. “Adventure na ‘to, ah. First time kong lumusong sa bagyo.”

Nangiti na rin ako bago umupo sa tabi niya. Napangiti ako sa salitang “first time.”

Nadumihan na naman ang isip ko kaya dumukot ako ng Stork sa bulsa ko sabay subo sa bibig.

“‘Wag kang bastos, Julio…” bulong ng aking konsensiya. — aLjI

 

ITUTULOY…