Tag Archives: club

BULAG, PEPEK AT BINGI

MADILIM pala sa loob ng beerhouse. Ito ang first impression kong until now ay nagla-last. Parang biglang nag-brownout ‘tapos unti-unting lumiliwanag habang kinakapa ng isang paa mo ang daan at sinasabi sa sarili mong, “Huwag sana akong madapa at magmukhang tanga.”

Mahirap ding iwasan na magpalinga-linga. Kung iikutin mo sa tingin ang paligid, puro aninong gumagalaw ang makikita mo. Anino ng mga ulo at katawan na naglalakad. May mga ulo at katawang nakaupo. May mga ulo na dahandahang nag-uuntugan kasunod ng mga katawang nagdidikit nang malagkit.

Ang pinakamaliwanag na bahagi ng lugar ay ‘yung malapit sa entablado. Bukod kasi sa isang libong bumbilyang nagpapatay-sindi sa saliw ng nakakabinging “Total Eclipse of the Heart”, meron itong pader na nababalutan ng salamin.

Sa salamin makikita ang repleksyon ng lugar na ‘yun at ng napakagandang babaeng magsasayaw sa harap nito. ( aLjI0708 )