Tag Archives: inuman

THE BOLD EN DA BYUTIPUL

TURN around… every now and then I get a little bit lonely and you never come around…” sabi ni Bonnie Tyler sa intro ng kanta. Tumayo bigla ang … balahibo ko. Sabi ko sa sarili “’Eto na sa wakas. Makakapanood na ako ng bold show.”

May mala-Rey Langit na nagsalita: “Leydeeez en gentulmeyn, neow denzzing on zi plor izzz Mizz Bebeh Rehca Firaliho.” Umaatikabong palakpakan ang lahat sa intro na ‘yun. ‘Yung mga kasama kong “first timers” din daw nag-standing ovation bigla, sabay sigaw ng “We lab yu, Recah!” na parang may namumuong luha pa sa mga mata nila.

Nang tumutok ang spotlight sa stage, naroon na ang babaeng sasayaw. Nakatalikod siya at parang malambot na gitara ang korte ng kanyang katawan. Nakabalabal siya ng mala-kulambo na scarf na kasing nipis ng sapot ng gagamba. Sa nipis nito ay kita na ang suot niyang pulang-pulang spandex lingerie. Pero kahit nakatutok ang maliwanag na spotlight sa katawan ng babae, kapansin-pansin pa rin na hindi siya maputi. Morena beauty ang dancer na ito.

“O, kampai! Kampai muna!” sabi ng apat kong kasama, ibig sabihin simulan na ang inuman. Nag-untugan ang mga baso naming puno ng beer na galing sa bote. Naisip ko, dahil nalilibang sila sa panonood, maisasakatuparan ko ang plano kong mandaya sa pag-inom para hindi malasing. Uminom ako, pero hindi lumunok. Inipon ko ang beer sa loob ng pisngi ko para ibuga ulit pabalik sa baso.

“Every now and then I fall apaa-aaa-aaart!… Turn arooouuuunnd!” sa isang kagulat-gulat na choreography, tumalon si Rehca nang pagkataas-taas, umikot nang 180 degrees sa ere na parang ninja, at bumagsak nang naka-split sa sahig ng stage. Napa-“GULP!” ako sa gulat. Nalulon ko ang beer!

“And I neeeed you now toniiiiiight!” habang naka-split si Rehca at nakatungkod ang dalawang palad sa harap ng nakabukaka niyang legs, nagpaikut-ikot ang ulo niya na parang elesi ng eroplano. Napahawak ako sa baso ko ng beer at inilapit ko sa labi ko para lumunok ulit ng likido. Ang galing ng elesi-effect dahil sa mahaba niyang buhok. Mukha siyang te-take-off any minute.

“Once upon a time I was falling in love, now I’m only falling apart…” sa kabuuan ng kanta parang nawala ako sa sarili ko. Nabura lahat ng problema ko sa buhay. Nawala sa isip ko ang mga kasama ko, ang mga ibang tao sa klab at ang natira lang sa lugar ay ako… at si Rehca.

“There’s nothing I can say, total eclipse of the heart….” Pawis na pawis na si Rehca sa pagsasayaw at taas-baba ang kanyang dibdib sa hingal. Nu’ng bumagal ang kanta ko lang natitigan ang mukha niya. Si—siya… Siya ‘yung kumakanta nu’ng isang araw. Siya ‘yung binosohan ko. Magkapit-bahay lang kami ng diyosang si Rehca.

Tulo ang laway ko sa performance ni Rehca. Tulo rin ang beer mula sa bibig ko nang bigla akong nakaramdam ng malakas na palo sa ulo ko. Nauga ang utak ko sa lakas. Nagising ako sa mala-panaginip kong panonood. May nambatok sa akin.

“’Tang ina naman, pare… inubos mo pati beer namin.”

Nasa aking harapan ang limang basong walang laman at ang apat kong kaibigan na nagngingitngit sa galit dahil nainom ko pati ang beer nila.

Wala na sa entablado si Rehca. Nasa puso ko na siya.

At oo, lasing na ako. ( aLjI0708 )

EPEKTIB DRINKING TECHNIQUE

EWAN ko kung bakit napagawi ako sa beerhouse pagkatapos ng “aksidenteng” pamboboso ko. Ito ang aking dilemma. Ayoko ng alak. Kaso, para lang makakita akong muli ng hubad na babae (nang hindi ako magkakakuliti) kailangan daw uminom ng alak dahil hindi raw pwedeng hindi uminom ng beer sa beerhouse. Kaya nga BEER-house, ‘di ba?. At mas mahal daw kasi ang softdrinks sa beerhouse kaya hindi ako pwedeng mag-softdrinks lang. At babae lang daw kasi ang umu-order nito at hindi raw softdrinks ang tawag dito kundi “lady’s drink”. Aba teka, mali naman ‘yun…“ladies” as in L-A-D-I-E-S ang tamang spelling, ‘di ba?

Sabi pa ng isa sa mga nagbi-B.I. (Bad Influence) sa akin, “’Pag nagsimula ang show, mapapainom ka rin ng beer sigurado.” Sumakay na lang ako sa teoryang nakakatuyo ng lalamunan ang boldshow pero ang plano ko talaga:

1.    Ilalagay ko ang buong laman ng bote ng beer sa isang baso.

2.    Iinom ako sa baso, pero hindi ko lululunin; iipunin ko ang beer sa loob ng pisngi ko.

3.    Tapos iinom ulit ako kunyari sa BOTE naman (na wala nang laman dahil inilagay ko sa baso, remember?)

4.    Pero ang totoo, ibubuga ko pabalik sa bote ‘yung beer na nakaipon sa pisngi ko.

5.    Repeat this pattern all night.

Sana umubra. ( aLjI0708 )

ACCIDENTAL BOSO

HINDI ako mamboboso. At hindi pa ako namboboso kahit kailan. Kaya ewan ko at bakit sa isang iglap ay nasa itaas na ako ng sanga ng isang puno, at sa mismong tapat ng isang bintanang bukas ay tinatanaw ko sa loob ang isang babaeng kumakanta ng “Total Eclipse of the Heart”.

Naalala ko na kung sino siya.

Siya ang bagong-lipat na kapitbahay namin. Tingin ko kasing-edad ko rin siya. Bata ang mukha pero dalaga na ang katawan. Dalagitang kamukha ni Rica Peralejo (na morena ang balat) at medyo kaboses ni Sarah Geronimo. O baka lasing lang ako kaya ganito ang dinig at tingin ko?

Nagbibihis ang morenang “Rica” (‘di ko alam pangalan niya) habang kumakanta. Aktong magtatangal siya ng T-shirt na may nakatatak na Gues (single “s”). At ewan ko kung bakit– biglang nangatog ang buong katawan ko. Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin, nangatog din ang buong puno. Akala ko mahuhulog ako buti na lang humigpit ang pagkakayakap ko sa magaspang na sanga na nahalikan ko rin bigla sa takot. Gasgas ang nguso ko.

Nang makabawi ako sa pagkakapuwesto, sabay tingin ulit, iba na ang hitsura ni Sarah. Wala na’ng T-shirt. Wala na ring bra. Topless na siya at naglalagay ng deodorant habang nakatapat sa salamin ang malusog niyang… kumakanta pa rin siya. Malakas pa rin ang ihip ng hangin pero nagbutil-butil bigla ang pawis ko sa noo.

Kakaiba na ang nararamdaman ko at mukhang may lalabas na sa akin. Kaya dali-dali na akong bumaba ng puno. Bumaba meaning: tumalon at bumagsak. Pagsayad na pagsayad ng nangangawit kong paa ko sa lupa, pinulikat ako, kasabay ng napakalakas na …

“Gwaaaaaaarrrkkkk!!! “

Hindi na talaga ako iinom ng beer. ( aLjI0708 )

SUKA SA SARDINAS

MULA nang makakita ako ng mga hubad na larawan sa isang kalendaryo ng alak, naging tattoo na sa isip ko ang mga pahina ng kalendaryong ‘yun. At tuwing naaalala ko ito, nag-iiba ang pakiramdam ko. Naikuwento ko ito sa mga kaklase ko nu’ng nag-inuman SILA.

Oo, sila lang ang nag-iinuman, dahil kahit nakikisama ako sa mga lasenggong ‘yun, hindi ako umiinom ng beer. Pero nu’ng naikuwento ko ‘yung tungkol sa mga kalendaryo pinilit nila akong uminom dahil kulang lang daw ako sa alcohol.

Halos matanggal ang ulo ko sa kaiiling habang nangangawit na ang kabarkada ko sa iniaabot niyang isang bote ng beer. ‘Sabay kasi sa pangako kong dapat makakita ako ng naka-bold bago grumadweyt ng highschool ay ang isa pang pangako: Hindi ako iinom hangga’t hindi pa ako nakaka-graduate. Saliwa, ano?

Pero dahil sa peer at beer pressure, napilit din akong lumagok ng isang buong bote ng beer. Isang bote sa tatlong lagok–sabay suka ako sa harap ng mga lokong kaibigan ko.

“Gwaaaaaaarrrkkkk!!! “

Siyempre pinagtawanan nila ako. Patas lang dahil sinukahan ko naman ‘yung pulutan nilang sardinas na pinigaan ng kalamansi.

Nag-walk out na ako paalis sa inuman na ‘yun dahil napahiya na ako sa alaskahan at naiihi na rin ako kanina pa. Dinig ko pa ang tawanan nila noong pumuwesto ako sa isang puno na malapit na pader para jumingle. Habang hinihintay kong pumatak ang ihi ko, may narinig akong kumakanta. Boses babae.

Tumingala ako. Dalawang palapag ang taas ng punong iniihian ko at ang isa sa malaking sanga nito ay nakatapat ang isang bintanang bukas. Doon galing ang kanta. Bukas ang ilaw sa loob ng bintana. Malago ang mga dahon sa puno. Madilim na ang gabi. Akyatin ko kaya at tingnan kung sino ang kumakanta? ( aLjI0708 )

STRIP DART

NAALALA KO minsang nag-iinuman kami ng tropa at batung-bato na sa mga kuwentong paulit-ulit habang nagda-darts. May nag-suggest na maglaro kami ng kakaibang laro:

 

STRIP DART.

 

Simple lang ang rules:

 

  1. Iinom ng isang basong beer bago tumira sa dart board.
  2. Babato ng tig-dalawang darts ang bawat kasali sa laro.
  3. Ia-add ang total points ng dalawang throws.
  4. Everyone will have one turn to throw.
  5. Ang pinakamababang score pagkatapos ng isang round ng batuhan ay mag-aalis ng isang saplot na nakasuot sa katawan.

Ala-una na ng madaling araw. Nasa garahe kami ng isang bahay. Pumayag ang lahat. Mga walo kaming tipsy na kasali sa kaistupiduhang ito.

 

Unang round: tanggalan ng relo, singsing, kuwintas, cellphone at sapatos ang mga lowest score. Easy.  Tawanan ang lahat.

 

Round two: T-shirts, medyas, sinturon. Tawanan pa rin.

 

Pangatlong round: Heto na ang unang biktima na may pinakamababang iskor. Nakapantalon na lang siya kaya ito na ang susunod na matatanggal. Tawanan lalo. Alaskahan nang todo. “Hubad naaaa! Hahaha!”

 

Susunod kaya siya sa pinagkasunduan? Sa kanya nakasalalay ang tagumpay ng palaro.

 

“’Tang-ina ‘pag hindi kayo sumunod, yari kayo sa akin!”  sabay tanggal ng jeans. Halakhakan ang lahat! Tahulan ang mga aso sa labas. Parang nakikitawa rin sa hitsura ng isang mataba na ari na lang ang may takip.

 

Round four and five: Naka-underwear na lang ang lahat by this time. Maginaw na ang hangin. Pero tawanan pa rin tuwing may nakakapansin ng mga bilbil sa tiyan, hindi pantay-pantay na kulay ng balat dahil sa sinag ng araw at mga parte ng katawang maraming balahibo kahit hindi dapat.

 

Round six: May tao sa gate! “Tao poooo!” 

 

Si Mang Cando, isang respetadong manginginom ng baranggay. Pumasok siya bigla sa gate gaya nang nakagawian niya sa bahay na ‘yun. Akala niya kakilala niya ‘yung mga nag-iinuman.

 

Hindi na kami nakakilos lahat. Lasing. Hubad. Nilalamig. Paano?

 

Napatigil kami. Napatigil din si Mang Cando sa nakita niya: Mga hubad na lasing sa kanyang harapan.

 

Puro kami lalaki.

 

“Yaaaaaaahhhh!!!” nagsisigaw siyang tumakbo palabas ng bahay.

 

“Putang-ina! Mga bakla! Patawarin kayooo!!!”

 

Mula noon hindi na siya uminom ng alak.

 

Hindi na rin kami nag-darts.

 

Pero tuwing nakikita namin si Mang Cando, kinikindatan namin siya.

 

Sabay tawa. (aLjI0508)