BULAG, PEPEK AT BINGI

MADILIM pala sa loob ng beerhouse. Ito ang first impression kong until now ay nagla-last. Parang biglang nag-brownout ‘tapos unti-unting lumiliwanag habang kinakapa ng isang paa mo ang daan at sinasabi sa sarili mong, “Huwag sana akong madapa at magmukhang tanga.”

Mahirap ding iwasan na magpalinga-linga. Kung iikutin mo sa tingin ang paligid, puro aninong gumagalaw ang makikita mo. Anino ng mga ulo at katawan na naglalakad. May mga ulo at katawang nakaupo. May mga ulo na dahandahang nag-uuntugan kasunod ng mga katawang nagdidikit nang malagkit.

Ang pinakamaliwanag na bahagi ng lugar ay ‘yung malapit sa entablado. Bukod kasi sa isang libong bumbilyang nagpapatay-sindi sa saliw ng nakakabinging “Total Eclipse of the Heart”, meron itong pader na nababalutan ng salamin.

Sa salamin makikita ang repleksyon ng lugar na ‘yun at ng napakagandang babaeng magsasayaw sa harap nito. ( aLjI0708 )

7 responses to “BULAG, PEPEK AT BINGI

  1. whoaaa~~ total eclipse of my heart pa rin uso sa beerhouse? hayyy…

  2. oo nga. nagtataka rin ako. they have 2 song choices, actually. one fast song for the first dance (‘umbrella’ ni rhianna ang top pick these days), and then this ‘classic’ one. you’ll never go wrong with the classics. lol

  3. ahahaha, aling beerhouse yang pinasok mo at saang sulok ng maynila yan? hindi kaya ma total eclipse din yan 🙂 nakapasok ako sa beerhouse sa may makati at dahil may kasama kaming kano, sempre dagsaan ang mga girls sa amin. pero dahil akala nila e GF ako nung kano, nagpapa-alam muna sila sa akin bago sila magbigay ng masahe o humaplos, hahaha

  4. kengs, i’m sure happy si american boy. as happy as can be. like me whenever i happen to pass by that happy place : )

  5. Pagkatapos ng Total Eclipse ay ang paborito kong tugtog na “If you hold me like this…and if I touch you like that..” ni Celine Dion…

    Walang tatalo sa BangBang Ali ng Cubao…kung saan mas matanda pa ang mga dancers keysa sa mga Mamasan…

  6. Hehe. Oo nga, Alasais. Kaya siguro pati ‘yung mga kanta singtatanda na rin ng mga lola sa Bang Bang Ali.

    Wala bang age limit ang paghu-hostess? Dapat yata meron na. Lugi ang mga parokyano. Aba, mahal na ang table charge at beer ngayon, ah.

Mag-iwan ng puna